Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam Concepcion, sinita ni Anne Curtis dahil sa pagporma kay Julia Barretto?

ni  Nonie V. Nicasio

NAGSANGA-SANGA na ang sitsit hinggil sa umanoy’y komprontasyon sa pagitan nina Sam Concepcion at Anne Curtis na naganap noong birthday celebration ni Vice Ganda. Naunang lumabas sa mga ulat na lasing daw si Anne nang sitahin niya si Sam, ang napapabalitang boyfriend ng kapatid niyang si Jasmine Curtis Smith.

May mga lumabas na ulat na sinabihan daw ni Anne si Sam ng mga katagang “Why are you here, who invited you?” at “You’re not classy enough to be here?” May balita pang pati kotse ni Sam ay ininsulto raw ni Anne.

Ayaw magsalita ng kampo ni Sam, pero ayon sa ilang saksi o present sa naturang okasyon, kinausap lang daw ni Anne si Sam at hindi nilait. Kabuntot pa nito ang pagsasabi ng ilan na hindi raw lasing ang star ng Dyesebel nang kausapin nito si Sam.

Inusisa lang daw ni Anne si Sam hinggil sa pagkaka-link nito sa bida ng Mira Bella na si Julia Barretto at nag-dialogue nang, ‘Bakit mo niloloko ang kapatid ko? Nalaman daw kasi ni Anne na pumoporma si Sam kay Julia kaya nang nagkita ang dalawa, kinausap ni Anne ang singer/actor para liwanagin ang isyu.

So, lumalabas na tipong gustong mamangka sa dalawang–ilog ni Sam, kaya naimbiyerna ang Ate ni Jasmine at sinita siya?

Isa pang nilinaw ng ilang nakarinig sa insidenteng ito ang ukol sa kotse ni Sam na nilait daw ni Anne.  May nilait nga raw na kotse pero hindi ‘yung kay Sam kundi yung kay Vice at biruan lang daw iyon. Hindi rin daw galing ang birong iyon kay Anne kundi sa ibang tao. Pati iyong tanong kung sino ang nag-imbita kay Sam, may ganoong eksena nga raw pero hindi rin daw ito galing kay Anne, kundi sa ibang bisita ni Vice.

May mga miron naman na nagsasabing alam ni Jasmine ang totoong nangyari subalit ayaw nitong magsalita upang hindi na palakihin ang isyu.

So, ano nga ba ang totoo? May pagkapabling ba itong si Sam o nagkakaroon ng attitude si Anne kapag may karga ng alcohol?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …