Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Romeo ‘di makalalaro dahil sa injury

HINDI na makakalaro ang rookie ng Globalport na si Terrence Romeo sa mga natitirang laro ng Batang Pier sa PBA Commissioner’s Cup.

Kinompirma ng ahente ni Romeo na si Nino Reyes na may sakit sa likod ang dating hotshot ng FEU Tamaraws na kailangang ipahinga.

Idinagdag ni Reyes na tanggal na sa kontensiyon ang Globalport mula sa quarterfinals kaya maganda para kay Romeo na ipagpahinga ang kanyang likod.

Hindi sumipot si Romeo sa Obstacle Challenge ng PBA All-Star Weekend noong Biyernes dahil sa kanyang pilay.

“He’s been playing through pain. We have no other choice but to rest him and prepare him for the next conference,” wika ni Reyes sa panayam ng www.spin.ph. “Basta all we want is to tell the fans that Terrence is injured and he needs to rest. He’s been playing through it (sakit).”

Nagpapagaling ngayon si Romeo sa NRMF Hospital sa Fairview, Quezon City.             (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …