NABABAHALA ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa “fly-high” tablets na ibinibenta online, at naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o shabu, ecstacy at party drug.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., ang ongoing trend sa pagbebenta ng illegal drugs sa pamamagitan ng electronic commerce (E-commerce) ay nagdudulot din ng malaking panganib dahil pwede nang magpadala ng illegal na droga sa pamamagitan ng mga totoong address saan panig man ng mundo.
Una rito, nasabat ng PDEA kasama ang Bureau of Customs, sa post office ng Maynila ang 500 piraso na ecstacy o “fly-high” tablets.
(LANI CUNANAN)