MUKHANG lalong malalagay sa balag ng ala-nganin ang CAB o Comprehensive Agreement on the Bangsamoro dahil sa sinabi ni chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer na kanilang ipaliliwanag kay Senadora Miriam Defensor-Santiago ang nilalaman ng naturang kasunduan.
Tiyak na lilikha ng lalong malaking sigalot ang pahayag na ito ni Ferrer dahil mukhang minamaliit niya ang kakayahan ni Defensor-Santiago na isang batikang guro ng batas lalo na sa pagtuturo ng Konstitusyon.
Sa naging pahayag ng pinuno ng government chief negotiator, tiyak na uusok ang tenga ni Miriam sa sinabi niya dahil lumalabas na tuturuan siya nito ng batas lalo na’t isang guro ng Kostitusyon ang Aling si Miriam
Maging ang mga ibang legal experts ay sang-ayon sa opinyon ni Miriam dahil maraming pro-bisyon sa umiiral na Saligang Batas ang nilabag nito.
Isa nga nga rito ang halos pagbibigay ng kasarinlan sa Bangsamoro gayong ang pinapayagan lang ng Konstitusyon sa kasalukuyan ay ang paggawa lamang ng isang rehiyon para sa ikauunlad ng mga mamamayan rito.
Alvin Feliciano