Tuesday , December 24 2024

Mamamahayag sa Cavite itinumba ng mga ‘bata’ ni Kernel

00 Bulabugin JSY

SA PANAHON na sinasabing namamayani ang demokrasya sa bansa, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno ‘Ninoy’ Aquino III, anak ng icon of democracy na si dating Pangulong Corazon Aquino at dating mamamahayag na naging politiko na si Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr.,  saka naman maraming mamamahayag ang pinapaslang.

Kahapon, ang lider ng mga mamamahayag sa Cavite na si Ruby Garcia, 52, ay pinasok ng tatlong suspek, inilarawang mga kabataan, sa loob ng kanyang bahay saka binaril nang maraming beses.

Limang bala ng kalibre .38 ang pumasok sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Ruby.

Ayon sa mga nakasaksi, ang limang bala ay tila pinili ni Ruby na sa kanya na lang bumaon kaysa tamaan ang kanyang apo.

Habang itinatakbo sa ospital si Ruby, paulit-ulit niyang sinasabi kung sino ang posibleng (suspect) nagpabaril sa kanya.

Si Ruby ay walang ano mang sandata na makapananakit sa mga taong gusto siyang saktan.

Ang tanging ‘armas’ ni Ruby bilang isang mamamahayag ay ang kanyang pagkapit sa katotohanan na totoo ang kanyang mga ibinabalita.

At ikalawa, ang tapang at lakas ng loob na ibinabaluti sa kanya ng katotohanang ito.

Bago maganap ang pamamaslang kay Ruby, sinabing isang PNP official (Kernel) sa Cavite ang kanyang nakasagutan. At ‘yan rin ang paulit-ulit niyang sinasabi na pwede umanong magpabaril sa kanya habang sinusugod siya sa ospital.

Nalulungkot tayo na sa panahon ng electronic world na napakabukas ng komunikasyon sa multi-media ay mayroong mga tao na ipinagtatanggol ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pag-upa ng mga taong pwede nilang utusan para pumatay.

Sa nakapanghihilakbot na pangyayaring ito, alam natin na mayroong ilang mamamahayag ang naalarma, pero mas nakatitiyak tayo na mas maraming mamamahayag ang magpapatuloy ng kanilang gawain para sa katotohanan.

Panahon na para tunay na wakasan ni PNoy ang walang kawenta-kwentang pamamaslang sa mga mamamahayag.

Stop killing journalists!

SANGKOT  SA P77 MILYON RPT INCOME SHARE  NG BARANGAY, KAKASUHAN  NI KON. ALI ATIENZA?!

MATAPOS mabuyangyang sa mga barangay chairman ang anomalya na isang barangay lamang ang nakinabang  sa P77 milyones na naunang budget na ipinalabas ng Manila City Council, ipinatawag ulit ni Yorme Erap ang mga barangay chairman na nabukulan ‘este’ hindi nabigyan ng RPT share of income sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall bulwagan nakaraang linggo.

Pero nagulat ang mga Punong Barangay, dahil imbes si Erap ang humarap sa kanila ay si Manila 5th district Councilor ALI ATIENZA ang nakipag-meeting sa kanila.

Binola ‘este’ tiniyak umano ni Atienza sa harap ng mga barangay chairman na nabukulan ‘este kapulong niya, na mabibigyan sila ng pantay na bahaginan mula sa RPT share of income ng barangay.

Hmmnnn … talaga lang Konsehal Ali ha?!

E kaninong mabubuting kamay pala kukunin ng mga barangay ang kanilang mga share ngayon?!

At paano rin sila makatitiyak na hindi na sila ‘bubukulan’ sa RPT income share?!

P52-million pa ang hinihintay ng mga barangay chairman, Konsehal Ali …

Maging parehas kaya sa pagkakataong ito ang Konseho?

Nangako pa si Atienza na may mananagot sa nangyaring anomalya at siya mismo ang magsasampa ng kaso kay Brgy. Chairman Hernane at ilang opsiyal sa city hall.

Mangyari nawa.

Babantayan namin ‘yan pangako mo, Konsi Ali Atienza!

BAGONG TARA CODE NAME: ‘GEN-BOB’ NG MANILA CITY HALL
(ALIAS SARHENTONG GAGA ‘D BAGMAN)

FYI Yorme Erap, nag-iiyakan na naman ang mga ilegalista sa Maynila hindi dahil sa panghuhuli at paghihigpit ng pulis sa kanila kundi sa bagong tara ‘y tangga na naman ng isang grupo sa Manila City Hall.

Isang alias SARHENTONG GAGA ang umorbit na sa mga 1602 operator sa Maynila gaya nina alias BOY ABANG, EDNA/ENTENG ‘D ROSARIO, TATA PAKNOY LESPU, TONTON, REED, para sa linggohang intelihensiya.

Dehins raw pwede na katulad sa iba ang tara sa kanila. Iba at mas mataas raw ang tara ng grupo nila.

Hindi lang ‘yan pati sa mga KTV club at mga vendor kahit  na legal na tent vendor ka pa ay kailangan mag-hatag na rin sa kanila.

May code name pa ang mga kamote … ‘eto ang code name: ‘GEN-BOB’ para sa kolektong at dehins pwede ang ‘pass muna’ sa kanila!

Sonabagan!!!

Sino ba ‘yang code name ‘GEN-BOB’ na ‘yan na labis na kinaiinisan ngayon sa City Hall!?

Ito pala ‘yung ‘MASAma’ sa City Hall?!

MPD DD C/Supt. Rolando Asuncion, ito raw si code name ‘Gen-Bob’ kotong cop na si alias Sarhentong GAGA ay diyan dapat naka-detail sa MPD-DHSU pero doon daw sa City Hall nagbababad at naghahatag ng kanyang kolektong!?

Mukhang walang respeto sa inyong pamunuan sa MPD ang tarantadong ‘yan, General Asuncion.

Pasadahan mo nga Sir, at baka dumami pa ang katulad n’ya sa MPD!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *