Tuesday , April 15 2025

Guilty sa ‘pork’ scam mananagot

INIHAYAG ng Malacañang na ang lahat ng guilty sa pork scam, maging ang mga nasa abroad, ay haharap sa hustisya ng bansa.

“Lahat ng dapat managot ay pananagutin… Gagawin ng ehekutibo and lahat nang nararapat na pagkilos,” pahayag ni , Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., nang itanong kung mapababalik sa bansa ang mga nasa abroad para harapin ang kaso kaugnay sa pork scam.

Ang tanong ay bunsod ng ulat na nananatili pa rin sa Estados Unidos si Ruby Tuason at ibinibenta ang kanyang mga ari-arian doon.

Nauna rito, may nakitang basehan ang Office of the Ombudsman upang kasuhan ng plunder at graft charges si Tuason at ilang mambabatas. Habang hindi pa nadidinig ang kahilingan ni Tuason para sa immunity sa kaso.

Inihayag ng dating social secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada, na personal niyang idiniliber kay Senador Jinggoy Estrada ang kickbacks.

Inihayag din niyang nakaharap niya ang dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes.

Si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na sangkot din sa pork scam, ay nasa Israel.

Si Reyes at iba pang mga sangkot sa anomalya ay pinaniniwalaang nasa abroad na rin.

(LAYANA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *