Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, ililipat na ang pamilya sa bago at malaking bahay

ni  Dominic Rea

FIRST week of May ang nakaplanong paglilipat ng buong pamilya ni Daniel Padilla sa bago nitong ipinatayong bahay sa Don Antonio.

Perfect month umano ito ayon pa sa sikat kong apo dahil sa buwang ito ay tapos na ang kanyang birthday celebration—April 26—ganoon din ang  sold-out DOS concert sa April 30 sa Big Dome.

Ayon sa kaibigang Karla Estrada, mas maganda ‘yung paglilipat kapag medyo maluwag ang kanilang sked dahil iwas ngaragan ito. Isa sa dahilan kung bakit hindi pa sila makapaglipat this April as planned ay dahil aalis naman sila this week para sa shows ni Daniel sa Mid-East at Europa.

Masaya na si Karla sa kung anumang buhay mayroon sila ngayon! Malaking bagay ang biglaang kasikatan ni Daniel upang kahit paano ay maiahon sa hirap ng buhay ang kanilang buong pamilya. ‘Yun na!

Abangan niyo rin po ang nalalapit na paglabas ng 3rd album ni Daniel under Star Records! Paaak!

Pag-uugnay kina Kris at Bistek, ingay politika lang!

BINGING-BINGI na ako sa isyung kinasasangkutan ngayon nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Queen Of All Media Kris Aquino.

Sa totoo lang, wala naman talagang katotohan ang salitang “relasyon” between them kaya huwag na lang natin palakihin pa! Sus! Well, some people say na kaya lang naman daw nag-iingay ang dalawa dahil nga sa isyung politika na maybe team-mates sila sa parating na 2016 elections para sa anumang posisyong tatakbuhin ni Kris sa Quezon City na siya na mismo ang nagsabing nagparehistro na siya.

Ingay politika ‘ika nga nila kaya tama na please! Kaloka!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …