Friday , November 22 2024

Blackwater vs Big Chill

IKATLONG sunod na panalo at pagsosyo sa liderato ang target ng Cebuana Lhuillier at Big Chill kontra magkahiwalay na kalaban sa PBA D-League Foundation Cup mamayang hapon sa JCSGO Gym sa Quezon City.

Makakatunggali ng Gems ang Cagayan Valley sa ganap na 2 pm samantalang maglalaban naman ang Superchargers at defending champion Blackwater Sports sa ganap na 4 pm.

Sa unang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay magkikita ang Jumbo Pastic at Derulo Accelero.

Kung mananalo ang Gems at Superchargers ay makakasama nila sa itaas ng standing ang NLEX Road Warriors (3-0).

“Hopefully we could keep it up. I expect [Cagayan] to be motivated when we play them. So hopefully, we could match their intensity and energy,” ani Cebuana Lhuillier coach Boyzie Zamar na nagsasabing peligrosong kalaban ang Cagayan Valley.

Ang Rising Suns ay natalo sa unang dalawang laro nila. Sa mga ito ay nakalamang sila sa first half subalit tumukod sa second half bunga ng kawalan ng finishing kick.

Inaasahan ding dadaan sa butas ng karayom ang Big Chill kontra sa defending champion Blackwater Sports.

“Knowing where they’re coming from, they can’t afford to lose. But we can’t afford to lose also so talagang pupukpukin namin,” ani Big Chill coach Robert Sison  na naghahanap din ng consistency sa kanyang mga bata.

“We have to be consistent. That’s what carried us to the finals last conference. Sa ngayon wala pa siguro dahil the tournament has just started. But I’m sure we’ll get there,” dagdag ni Sison.

Hindi maganda ang pagsisimula ng pagdedepensa ng korona ng Elite dahil sa nakalasap sila ng magkasunod na kabiguan buhat sa NLEX at Jumbo Plastic. Ayaw ni coach Leo Isaac na manatiling nasa ibaba ng standings dahil sa baka mahirapan silang umbot sa susunod na round.

Magbabalik sa active duty para sa Blackwater Sports ang sentrong si Riel Cervantes matapos na masuspindi ng isang laro. Na-miss siya ng Elite sa laro kontra Giants kung saan natalo sila, 76-68.

Si Cervantes ay nasuspindi matapos na suntukin si Ola Adeogun sa laro kontra NLEX kung saan natalo ang Elite, 102-84 noong Marso 25.

Ikalawang sunod na panalo ang hangad na maiposte ng Jumbo Plastic laban sa Derulo Accelero.

“This is another chance for us take another step to the top. We should take advantage of the opportunity and win against weaker teams to be back in the playoffs,” ani Jumbo Plasctic coach Stevenson Tiu.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *