Tuesday , December 24 2024

Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw

Therefore, confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of a righteous man is powerful and effective. –James 5:16

ITO ang popular na litanya binitiwan noon ng paborito kong aktres na si Susan Roces laban kay Pangulong Arroyo, matapos matalo ang kanyang kabiyak na si FPJ sa Panguluhan noong 2004.

Mukhang epektibo pa rin ito at akmang-akma kayFernando Lugo, ang officer in charge ng DPS-District III sa Maynila.

***

PAANO ba naman mga kabarangay ang kutong lupa na ito ay saksakan ng sinungaling nang isumite niya ang kanyangrejoinder-affidavit sa piskalya kaugnay sa isinampa namin kaso laban sa kanila.

Nagulpi na ang aking tanod na si Roger at Kagawad na si Robert, ay kami pa ang binabaligtad at ginawan ng kung ano-anong kuwento.

Susme, minsan naman sa buhay mo ay magsabi ka ng totoo , Luga este Lugo!

DPS OFFICE, GINAGAWANG BAHAY!

AT paano ka nga pala naging residente ng Barangay 659-A? Ang tanggapan ng DPS ay nasa Arroceros na sakop ng aking barangay.

Ibig bang sabihin ang ginagawa mong bahay ay ang opisina ng DPS? Aba, libre ka na sa tubig, libre ka pa sa kuryente?!

Nakupooo, alam ba ito ni Pangulong Erap?!

***

ANG tanggapan o opisina ng gobyerno ay hindi maaring angkinin o gawing bahay ng sinuman kawani o opisyal, maliban na lamang kung ikaw ay isang on call duty gaya ng mga bumbero.

Sa pag-aamin mong ito, binababoy mo ang tanggapan ng gobyerno. Ang DPS office ay pag-aari ng city hall.

City Administrator Atty. Simeon Garcia pakibusisi naman po ang kawalanghiyaang ito ni Lugo!

“SINADYANG AKSIDENTE”

KALIWA’T-KANAN ang mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga bus, jeepneys, cargo truck, taxi at mga  motoristang bumabaybay sa daan.

Halos walang ligtas ang lahat, dahil nga aksidente, kapag oras mo na daw, ay talagang tatamaan ka ng disgrasya. Ang huling naitala “aksidente” ay ang pagkakataob ng isang passenger jeepney matapos bundulin ng isang bus na dahilan upang tumaob ito sa  Commonwealth Avenue, nitong Biyernes.

Subalit, ibang usapan na kapag sinadya ang “aksidente!”

***

GAYA sa kaso ng pamilya ni Cassandra Elaine Tamayosa, ang 6-anyos na biktima ng umano’y “aksidente” pagkakabundol ng suspek na si Christopher Ruado, 38-anyos ng B;lock 11, Lot 96, Apple Street, Palmera VI Subdivision, Brgy Dolores, Taytay, Rizal.

Karumal-dumal ang sinapit ng batang si Cassandra na naipit pa ang katawan sa sasakyan ni Ruado noong umaga ng Nobyembre 24, 2013.

***

NAGLALAKAD ang bata, kasama ang kanyang tiyahin si Maginda, 44-anyos sa gilid ng kalsada ng Lemon Street sa loob ng Palmera VI Subdivision nang bigla silang bungguin ng Toyota Altis (XBP-940) na minamaneho ni Ruado.

Tinamaan sa kanang pigi ang bata at napasigaw pa ng”aray, aray, aray, Mommy”. Naipit sa bumper ng kotse ang bata, ganoon din ang kanyang tiyahin.

***

BUMABA si Ruado sa sasakyan upang tingnan ang pangyayari. Muli itong sumakay sa kotse, subalit, imbes na paatras, natapakan nito ang accelerator ng kotse kaya ito muling umabante.

Dito ay tuluyang napasandal sa pader ang katawan ng bata at bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig dahil sa pagkaka-ipit sa bumper. Nasa kahindik-hindik na posisyon ang itsura ng bata ng sa ikatlong beses ay umabante muli ang kotse at napipi ang katawan ng bata sa pader.

***

SA imbestigasyon, lumalabas na hindi binuksan ng suspek na si Ruado ang iginition ng kotse dahil sa padausdos ang daan ng Lemon Street nang maganap ang sinasabing “aksidente.”

Taliwas sa kanyang katwiran na hindi umano gumana ang break ng kotse kaya nabunggo ang mga biktima.  Nabatid na hindi talaga gagana ang break kung hindi naman nakabukas ang makina ng kotse. Binuksan lamang niya ang ignition ng mabangga na niya ang mga biktima.

Susme, anong klaseng katangahan ito!

***

KAYA, tama ang naging manipestasyon ni Atty. Rey Bagatsing sa kanyang inihaing motion for re-investigation sa kaso (RTC Tayay, Rizal)  na gawin itong murder mula sa simpleng reckless imprudence resulting to homicide and slight physical injuries.

Idagdag pa dito na ang eyewitness sa madugong krimen ay ang 7-anyos na kapatid na si Christian na nagpatunay sa kanyang judicial affidavit at idinetalye ang kanyang nasaksihang krimen sa kapatid.

SA motion ni Atty. Rey, aniya: “The behavior shown by the accused indubitably shows that while the first bumping incident maybe have been as a case of simple “reckless imprudence” as the same could have generated only serious “physical injuries” and not necessarily “homicide” on Cassandra Ellaine Villas Tamayosa, the fact remains that Cassandra Ellaine was still alive adte the fisrt impact thus she cried, Aray, Aray, Aray Mommy!”

Buhay pa sana si Cassandra, kung hindi lang sa katangahan ng suspek na imbes na itulak paatras ang kanyang kotse ay inabante pa niya ito sa biktima.

Haay naku, walang ospital ng mga tanga!

***

NAPAKAHIRAP tanggapin ang ganitong uri ng kagimbal-gimbal na trahedya sa batang si Cassandra na nakatakda sanang tumanggap ng Salutatorian Award sa Kindergarden 2 nitong Marso.

At lalong hindi katangap-tanggap sa pamilya na ang ikinakatwirang aksidente lamang ito ay nauwi pala sa sadyang pamamaslang sa kanilang anak.

Pakikisampatiya po ng inyong abang lingkod sa pamilyang Tamayosa!

CERTIFICATE OF COMMENDATION

NG DILG-MANILA SA MPD

NAGPAHABOL nang pagpaparangal nitong huling Linggo ng Marso sa selebrasyon ng Women’s Month ang masipag na DILG-Manila Director Atty. Cherry P. Canda-Melodias sa mga kababaihang miyembro ng pulisya.

Naghandog ng certificate of commendation si Atty. Cherry sa  mga natatanging policewoman ng Manila Police District (MPD), bilang pagkilala sa kanilang serbisyo na pangalagaan ang seguridad ng Lungsod.

***

ISINAGAWA ang pagpaparangal sa regular flag ceremony sa MPD Headquarters sa U.N. Avenue, nitong Lunes, Marso 24.

Umasiste kay Atty. Cherry si MPD Director Chief Supt. Rolando Asuncion at iba pang matataas na opisyales ng MPD na ikinalugod ang ginawang pagpaparangal sa kanilang mga policewoman.

Mabuhay ka, Atty. Cherry!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *