Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AFP may lead na vs Sabah kidnap case

PATULOY ang pakikipag-ugnayan ng Philippine security forces sa Malaysia, kaugnay sa ulat na natukoy na ng Malaysian police ang kinaroroonan ng mga dinukot na Filipina at Chinese tourist mula sa Singamata Reef resort sa Semporna, Sabah noong nakataang linggo.

Ayon kay Western Mindanao Command chief, Lt/Gen. Rustico Guerrero, patuloy pa ang kanilang paggalugad sa lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga kidnapper.

Una rito, napaulat na posibleng grupo ng Abu Sayyaf ang nasa likod ng panibagong kaso ng abductionsa Sabah.

“So we cannot categorically state that a particular group is holding the two victims in a specified place,” ayon sa opisyal.

Kaugnay nito, sinabi ni Eastern Sabah Security Command director general Mohammad Mentek, buhay at maayos ang kalagayan ng mga biktimang sina Gao Huayan at Marcelita Dayawan.

Sinabi ni Mentek, natukoy na nila ang lokasyon ng mga bihag maging ang pagkakilanlan ng Abu Sayyaf group na siyang may hawak sa mga hostage.

Isa aniya sa mga kidnapper ay sangkot din sa pagdukot sa babaeng Taiwanese noong Nobyembre ng nakaraang taon sa Pom Pom Island.

Ang iba pa niya ay sangkot din sa pagdukot sa 21 katao sa Sipadan island noong 2000.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …