Monday , April 28 2025

Uncle Sam alyado suportrado vs China

Nangako ang Estados Unidos na suportado nila ang mga kaalyadong bansa na nakaka-alitan ang China dahil sa ilang pinag-aagawang teritoryo, kabilang ang Filipinas.

Sa pagharap ni Assistant Secretary of State Daniel Russel sa isang congressional hearing sa Estados Unidos na tumatalakay sa polisiya ng bansa sa Silangang Asya, kanyang ipinahayag na tutuparin nila ang kanilang responsibilidad sa mga kaalyadong bansa.

“There should be no doubt about resolve of the United States. We stand by our allies and we stand by our commitments,” ani Russel.

Aniya, ang mga pinakahuling hakbang ng China laban sa Filipinas ay bunga ng galit nito sa pagdulog ng Maynila sa UN arbitration para maresolba ang usapin sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Ang Filipinas ay isang treaty ally ng Estados Unidos. Isa lang ito sa mga nakaaalitan ng China pagdating sa ilang pinag-aagwang teritoryo na kabilang din ang Brunei, Malaysia, Vietnam at Japan.

Ngayong Abril nakatakdang bumisita si US President Barack Obama sa bansa at pinaplantsa na ang  panibagong kasunduan na naglalayong magdagdag ng pwersang militar ng Estados Unidos sa Filipinas.

Noong nakalipas na linggo, naghain ang Filipinas ng memorial o written argument sa United Nations (UN) arbital tribunal sa The Hague, Netherlands, kaugnay ng pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Pero sa 12-pahinang position paper na inilabas ni Zhang Hua, taga-pagsalita ng embahada ng China sa Filipinas, muli nitong iginiit ang paninindigan ng China na kanilang pag-aari ang mga pinagtatalunang teritoryo, bagay na sumasalungat sa posisyon ng Filipinas lalo’t sakop ang naturang rehiyon ng exclusive economic zone (EEZ) nito. (LANI CUNANAN)

About hataw tabloid

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *