Thursday , August 14 2025

PNoy pinondohan ni Delfin Lee

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa bintang na malaki ang iniambag ni Delfin Lee kay Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 presidential elections.

“Well, the lists of contributors and donors have been published by the Comelec; and I think you can see it from there whether he is a campaign contributor. But I have no specific information on who is a campaign donor,” sabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ibinulgar kamakalawa ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez na si Lee ang biggest campaign contributor ni Aquino noong 2010 presidential derby kaya ito marahil ang dahilan kaya pinag-initan ng Punong Ehekutibo si Task Force Tugis chief, Sr. Supt. Conrad Capa nang arestohin ang negosyante bunsod ng kasong P7-B syndicated estafa.

Giit ni Lacierda, pwedeng alamin sa Comelec ang listahan ng campaign contributors kung kasama rito si Lee at kailanma’y hindi umiwas ang administrasyong Aquino na litisin ang sino mang akusado .

Matatandaan, binatikos ni Pangulong Aquino ang pag-alma ni Capa nang sibakin siya bilang pinuno ng TF Tugis, ilang araw makaraan madakip si Lee at mabuko na nagtangka si Liberal Party treasurer at Mindoro Oriental Gov. Alfonso Umali na arborin ang negosyante kay PNP chief Alan Purisima.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *