Thursday , November 14 2024

MRT GM Al Vitangcol III, DoTC Sec. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya resign!

00 Bulabugin JSY

ISANG malaking kahihiyan talaga ang ginagawa sa atin ng mga opisyal ng pangunahing mass transportation natin ngayon ang Metro Rail Transit System.

Ang kasalukuyang general manager ng MRT na si AL VITANGCOL III ay nasasangkot sa isang malaking kaso ng tangkang EXTORTION habang ang transportation secretary na si Jun Abaya (apo ka ba ni Gen. Emilio Aguinaldo?) ay inabswelto siya sa imbestigasyon.

SONABAGAN!!!

‘E ngayon nagsalita na mismo si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar tungkol sa sinasabing $30-milyon tangkang pangingikil ni Vitangcol sa isang Czech company para makuha ang kontrata sa pagbili ng mga bagong bagon para sa MRT III, ano ang gagawin ng dalawang opisyal ng DoTC (Vitangcol at Abaya)?

Sinabi mismo ng Diplomat na si Rychtar, sa kanyang bahay naganap ang pagpupulong nila ni MRT General Manager Al Vitangcol III para pag-usapan ang pagkuha ng Czech company na Inekon Group ng kontrata para sa supply ng mga bagong bagon.

Kasama umano ni Vitangcol ang ilan pang tao sa nasabing meeting noong Hulyo 2012.

Dito raw naganap ang pangingikil ‘este’  paghingi ng grupo ni Vitangcol ng $30 milyon para makuha ang kontrata sa mga bagong bagon ng MRT. Habang nasa meeting, may tinatawagan sa telepono ang kasamang tao ni Vitangcol.

Nang tanungin ang opisyal kung sa tingin niya ay may nagbibigay ng proteksyon kay Vitangcol na humahawak ng mataas na posisyon sa gobyerno, ganito ang sagot ni Rychtar: “If you follow all the case, if you follow all the problems arising now in the MRT, you can see that Vitangcol has a very, very firm position. And nothing can move his chair, so I think that he is covered, he’s protected.”

Naninindigan din si Rychtar, na isinumbong niya kay Transportation and Communication Secretary Jun Abaya ang nangyari ngunit nakapagtatakang inabswelto ng ahensya si Vitangcol sa naging resulta ng imbestigasyon dahil sa kawalan daw ng ebidensya.

‘E kaya pala nagkakaletse-letse ang operasyon ng MRT kasi wala palang nasa utak si Vitangcol kundi ang malamanan ang kanyang bulsa!?

Ano pa kaya ang hinihintay nina Vitangcol at Abaya, ipatawag sila sa Senado at mag-grandstanding?

Hoy dalawang kamote, mag-RESIGN na kayo!

Kayong dalawa ay malaking ‘BATIK’ sa ‘daang matuwid’ at ‘no wangwang’ policy ni PNoy!

Sa bahagi naman ni Pangulong Noynoy, dapat niyang ipakita na hindi lamang sa mga kalaban sa politika mabagsik ang kanyang ‘daang matuwid’ dapat ay gayon din maging sa kanyang mga kaalyadong corrupt!

CONGRATULATIONS ALBAY GOV. JOEY SALCEDA!

SABI nga ‘e, “When it rains, it pours.”

Mukhang totoong-totoo ‘yan sa mga biyayang dumating ngayon taon 2014 sa mga taga-Albay na pinangungunahan ng kanilang Governor na si Hon. Joey Salceda.

Umani kasi ng sunod-sunod na karangalan ang mga Albayanon.

Kaya’t sa kanilang 440th anniversary celebration ay naging panauhin ang mga nagbigay ng karangalan sa Albay na sina Bb. Pilipinas – International ‘14 Mary Anne Guidotti; Bb. Pilipinas Supranational Yvethe Santiago; Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class, 2014 Valedictorian Cadet First Class Jheorge Llona; Police Inspector Glenn Tabo Santelices, Philippine National Police  Academy (PNPA) ‘Mandalaab’ class Valedictorian of 2014, at jayson Florin 7th Honors sa PNPA.

Congratulations Albayanon winners and achievers!

Congratulations Gov. Joey Salceda!

SALAMAT SA AKSYON MIAA AGM-SES ret. GEN. VICENTE GUERZON!

MATAPOS natin mailabas sa Bulabugin ang walang pakundangang paglabag sa patakarang panseguridad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng isang Airport police at isang PNP senior police officer na kinilalang sina Cpl. Joevic Pandino at SPO3 Jeffrey Gumanoy ay agad silang pinaimbestigahan ni MIAA AGM-SES ret. Gen. Vicente Guerzon.

Hinihinalang ang dalawa ay nagmo-moonlighting bilang ‘escort’ ng mga pasahero sa NAIA.

Ang dalawa ay sinabing lumabag sa security access zone at sa Letter Directive (SBM-2014-087) na inisyu ni Immigration Commissioner Siegfrid Mison hinggil sa Authorized Persons to Assist in NAIA Exclusive Immigration Area (EIA).

Agad nang pinaimbestigahan ni MIAA AGM-SES Guerzon ang nasabing insidente at tinitiyak niya na hindi niya palalampasin ang nasabing insidente.

Mabuhay ka, ret. Gen. VIC GUERZON!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *