Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makisaya sa Gandang Ricky Reyes ngayong bakasyon

TAPOS na ang araw ng mga pagtatapos. Wala nang pasok sa eskuwelahan ang mga estudyante. Marami nang oras na bakante si Nanay dahil wala ang hatid-sundo sa mga anak.

Ano-ano ang dapat gawin para magkaroon ng bakasyon-grande?

Samahan natin si Mader Ricky at ang kanyang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) staff at crew sa iba-ibang uri ng selebrasyon.

Dadalhin tayo sa mga dinarayong beauty clinic na ang ina ng tahanan ay maaaring magpa-facial, magpakulay, magpakulot, at magpa-regold ng buhok. Pati na mag-exercise para bumalik ang coca-cola figure at ‘di maakit ng ibang chick si Tatay.

Sundan natin ang isang pamilya na naging lucky letter sender ng GRR TNT ang isang mother at ibinigay ang kahilingang all expense paid o libreng week end accommodation sa Golden Sunset Resort Inn and Spa.  Kaugnay ito ng pagdiriwang ng kaarawan ng panganay na anak at pagtatapos ng bunso sa high school.

Nakarinig na ba  kayo ng isang “Mobile Party”? Uso ito ngayon at may isang van na susundo sa mga dabarkad na gustong mag-party at dinadala sila kung saang lugar sa Kamaynilaan nila gusto. Road trip na may kakabit na party all day and all night long.  Bongga!

May interbyu naman si Mader sa isang photo and video organizer at ibibida nito ang mga happening ng mga taga-showbiz at miyembro ng rich and famous clout na naging kliyente niya.

Tutok lang sa GRR TNT na prodyus ng GMA News TV tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m.. Sa ilalim ito ng produksiyon ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …