Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong at Lisa, tampok ang kakaibang pag-iibigan sa MMK

ni  Pilar Mateo

SINA Enchong Dee at Lisa Soberano naman ang magpapakilig sa pagtatambal nila this Saturday, April 5, 2014 sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ng ABS-CBN.

Gagampanan nila ang mga karakter nina Jhonny at Aileen na nagkahulugan ng loob sa kanilang summer job. Ayaw na magtiwala ni Aileen sa mga lalaki dahil sa nangyari sa kapatid niyang nabuntis at iniwanan. At nasadlak din si Jhonnyn sa ganoong sitwasyon nang siya rin eh, nakabuntis at ‘di napanindigan ito. But they tried their best to make their relationship work.Totoo bang mabilis magkasawaan ang mga magkasintahang palaging magkasama?

Tampok din sa nasabing episode sina Marc Solis, Jon Lucas, Hyubs Alarcon, at Bernadette Allyson. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Mae Czarina Cruz, panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Akeem del Rosario.

Ang MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producers na sina Lindsay Anne Dizon, Niña Daynata, at Cathy San Pablo. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ag @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Feel young sa istorya ng pag-iibigang ito!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …