DAGUPAN CITY – Nasa watchlist ng Provincial Health Office ang sampung bayan sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa sakit na tigdas.
Ngunit nilinaw ni Dra. Ana de Guzman, provincial Health Officer sa Pangasinan, dalawa pa lamang ang kompirmadong kaso ng tigdas sa lalawigan.
Ngunit ang ibang kaso ay nakitaan aniya ng rashes na isa sa sintomas ng tigdas.
Pinayuhan ni Guzman ang mga may tigdas na agad magpakonsulta sa doktor upang hindi na lumala ang sakit.
Ang tigdas ay viral infection na nakukuha tuwing summer.
Hindi lang bata ang tinatamaan nito kundi mga matatanda rin.
Ang mga sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnat sa loob ng tatlo hanggang limang araw bago lumabas ang mga pula sa katawan at pagpula ng mga mata na may kasamang ubo at sipon.
(BETH JULIAN)