Saturday , July 26 2025

Mag-asawa, helper minasaker sa Isabela

CAUAYAN CITY, Isabela – Tatlo ang patay sa naganap na masaker dakong 11 p.m. kamakalawa sa isang bahay sa Albano St., District 3, Cauayan City.

Patay ang mag-asawa at kasamahan nila sa bahay makaraan saksakin nang maraming beses ng dalawang salarin.

Knilala ang mga namatay na biktimang sina John Pablo, 30, asawang si Lovelyn Pablo, 31, at kasama nila sa bahay na si Edwin Bautista.

Sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, ayon sa salaysay ng 13-anyos binatilyong anak ng mag-asawa, naliligo siya sa banyo nang makarinig siya ng kaguluhan sa kanilang sala.

Sa kanyang pagsilip ay nakita niya nang saksakin ng mga suspek ang ama niyang si John. Sa matinding takot ay hindi lumabas ng banyo ang binatilyo.

Sa pag-uwi nina Lovelyn at Edwin mula sa paglalako ng barbecue at iba pang mga paninda ay nadatnan nila ang nakahandusay at duguan na si John Pablo at ang dalawang suspek.

Sunod na sinaksak ng mga salarin si Lovelyn na nanlaban ngunit walang nagawa nang pagtulungan ng dalawang suspek.

Tinangkang tumakas ni Bautista ngunit nagawa siyang makorner at pinagsasaksak din ng mga suspek. Tumakas ang mga salarin bitbit ang bag ni Lovelyn na naglalaman ng pera na kanilang pinagbentahan.

Samantala, namukhaan ng binatilyo ang isa sa mga suspek ngunit hindi tinukoy ang pagkakakilanlan upang hindi makaapekto sa imbestigasyon ng pulisya.

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

THE Department of Science and Technology (DOST) Region I proudly took part in the Negosyo …

Promoting Local Livelihoods in Sagay, Camiguin through PORTASOL

Promoting Local Livelihoods in Sagay, Camiguin through PORTASOL

The Department of Science and Technology (DOST) Camiguin, led by Provincial Science and Technology Director …

Nelson Santos Rebecca Madeja-Velásquez PAPI

Nelson S. Santos Itinalagang Chairman at Director for Media Affairs ng PAPI

MAYNILA — Ipinagmamalaki ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang opisyal na pagtatalaga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *