Wednesday , November 13 2024

Zambales blues

SUMULAT ang Marketing Consultant ng Bluemax Tradelink Inc. na si Paolo Angelo C. Florenda sa kolum na ito upang linawin ang tungkol sa serye ng mga kolum na nagbuking sa umano’y ilegal na pagmimina at smuggling a Zambales.

Ayon kay Mr. Florenda, pawang lahar lang at hindi black sand ang hinuhukay ng kompanya mula sa ilog ng Bucao sa Porac, Botolan. Kalaunan, nag-export na rin ng materyales sa mga kliyente sa ibang bansa, na may napakanipis na profit margin.

Iginiit din niya, sa ilog lang nag-o-operate ang kompanya, at hindi sa pampang.

Dagdag pa niya, dahil ito ay flood mitigating project ng pamahalaang panglalawigan, libre itong ginagawa ng Bluemax para tulungan ang mga taga-Botolan na mabawi ang nawala sa kanila matapos pumutok ang Mount Pinatubo. Pinopondohan din nito ang mga community development project at maayos ang pagbabayad ng tamang buwis.

Nagprisinta rin si Mr. Florenda ng letter of authority to dredge na pirmado ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., isang clearance mula sa Department of Public Works & Highways (DPWH) na may lagda ni Secretary Rogelio Singson, at sertipikasyon mula sa Environment and Natural Resources Office (ENRO) ng probinsiya na may pirma ni Benjamin T. Manabat na nagpapahintulot sa Bluemax na mag-extract, maghakot, mag-quarry at mag-export ng “sand and other mineral deposits.”

Pero iba ang ikinuwento sa Firing Line ng ilang residente at ilang lokal na opisyal. Nanindigan silang black sand ang hinahakot mula sa pampang ng Porac, pero pinalalabas na hinuhukay ang ilog para palalimin. Ang nasabing operasyon, anila, ay nagresulta sa pagguho ng pampang at ginawang maburak at maputik ang tubig sa walang habas na pagwawalang-bahala sa pagbibigay-proteksiyon sa kalikasan, at nakapeperhuwisyo pa sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda.

Giit nila, dapat may DENR Environmental Compliance Certificate ang nasabing operasyon at hindi basta provincial government permit lang. Sa katunayan, anila, required pa nga na kumuha ng barangay permit.

Upang mabunyag ang katotohanan, dapat maglunsad ng imbestigasyon ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa mga aktibidad ng maliliit na minahan sa Zambales. Tungkulin ni DENR Secretary Ramon Paje na tiyaking napangangalagaan at napoprotektahan ang kalikasan; dapat din alamin ni Bureau of Customs Commissioner John Sevilla kung may customs clearance ang pag-e-export ng minerals ng mga nasabing kompanya; trabaho naman ni Department of Justice Secretary Leila De Lima na atasan ang National Bureau of Investigation, at pakilusin ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang kanyang mga examiner para magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng probinsiya at ng Botolan, at sa mga may-ari ng lahat ng kompanyang nasasangkot upang malaman kung tumatalima nga sila sa ating tax laws.

***

Sa nakalipas na mga taon ay inakusahan si Gov. Ebdane ng pag-abuso sa kapangyarihan sa pag-iisyu ng small-scale mining permit. Alinsunod sa batas, tanging ang national government, sa pamamagitan ng DENR, ang maaaring magpahintulot ng pagmimina sa mga mineral reservation.

Once and for all, dapat nang linawin ng gobyerno kung sino ba talaga ang may awtoridad para magpahintulot sa mga small-scale miner na maghakot at magbiyahe ng minerals sa labas ng bansa.

Sa ngayon, habang hindi pa nareresolba ang kontrahang ito at ang talamak na pagpupuslit ng high-value goods sa mga daungan sa Zambales (na sunod kong tatalakayin sa kolum na ito), milyon-milyong piso ang nawawalang kita ng gobyerno sa buwis kada buwan. Wala itong ipinag-iba sa PDAF scam. Kung tutuusin, mas matindi pa nga.

Kawawang mga Zambaleño. Kawawang Juan dela Cruz.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *