Nakadehado ang kabayong si Princess Ellie na sinakyan ni jockey Mhel Perucho Nahilat sa kanilang laban nung isang gabi sa pista ng SLLP. Banderang tapos ang kanilang nagawang panalo at walang nakalapit o nakadikit man lang simula sa umpisa hanggang sa matapos.
Marahil kaya sila nadehado sa laban ay dahil sa huling pruweba sa PCSO Special Maiden na naganap nung ika-22 ng Marso sa SLLP na kung saan ay kulelat na dumating si Princess Ellie, kung baga ay tila inalalayan lamang noon dahil sa may kabigatan ang nakalaban na sina Lucky Leonor, Manalig Ka, Malaya at kabilang si Alta’s Angel.
Pero ang kanyang itinakbo sa Novato ang mainam na basehan dahil nakapagtala siya ng 0:53.5 (05’-23-25) sa 850 meters na distansiya habang nakapirmis ang nagdala sa kanya na si Pao Guce.
Fred L. Magno