Monday , December 23 2024

No tuition fee increase ng private school/s, patibong lang?

OPISYAL na summer vacation na raw at siyempre partikular na natutuwa dito ang mga batang mag-aaral. Pahinga at laro-laro muna sila pero, bilang isang magulang kapag sumasapit ang bakasyon ng mga bata, hindi iyong summer vacation o kung saan magbabaksyon at makapag-relax ang nasa isip ko at sa halip ay enrolment na.

Yes, ang kakambal kasi ng summer vacation ng mga bata ay enrolment na. Kaya, kaliwa’t kanang kayod ang dapat at hindi iyong magpapasyal kung saan ang paghandaan.

Speaking of enrolment, uso na naman iyong promo ng iba’t ibang pribadong eskuwelahan na “no tuition fee increase” pero ‘wag ka. Isang gimik lang ang lahat.

Totoo nga pong walang pagtaas para sa tuition fee pero, kapag pumasok ka na sa gimik ng ilang paaralang pribado ay mapapasubo ka bilang isang magulang. Napakarami palang “hidden charges.” Ibig kong sabihin, napakamahal pala ng miscellaneous expenses. Nand’yan iyong computer lab na nagkakahalaga ng P3,000 o higit pa, nand’yan iyong field trip na P2,500; nand’yan iyong per set ng libro ay aabot hanggang P15,000 at nand’yan pa iyong hindi puwedeng kung ano-anong notebook ang bibilhin kundi ang dapat na gamitin ng bata ay notebook ng eskuwelahan – iyong gawa ng skul na may school logo. E napakamahal pa naman.

Kaya kawawa na naman nito ay tayong mga magulang na nais mai-enrol ang anak sa pribadong eskuwelahan. Dito pa naman sa Metro Manila ay ‘bentang-benta’ ang mga pribadong eskuwelahan para sa elementary at high school dahil ang mga silid aralan ng mga eskuwelahan na pinatatakbo ng gobyerno ay tila mga sardinas ang mga mag-aaral.

Sa ginagawang ito ng mga pribadong paaralan, nasaan ang tamang departamento ng gobyerno para ayusin ang problema.

Ang Department of Education (DepEd) ay wala nga bang kontrol sa mga pribadong eskuwelahan? Pero sinasabing may private school division office sa DepEd ang in-charge sa mga pribadong eskuwelahan. Kung magkagayon, e ba’t tila hindi yata natin nababalitaan na kumikilos ang naturang dibisyon? Kailangan pa bang may magsasampa ng pormal na reklamo sa sobrang taas ng miscellaneous ng ilang pribadong eskuwelahan?  Hindi ba puwedeng maglabas ng alituntinin ang gobyerno para sa mga pribadong eskuwelahan – iyon bang – ang dapat ay magkakapareho ang singil sa miscellaneous?

Ang masaklap kasi sa isang pang gimik ng ilang private school ay kapag delayed ang pagbabayad ng matrikula para sa first quarter exam, isasama sa kuwentahan para sa late payment ang miscellaneous. Mabuti sana kung sa tuition fee rate lang kuwentahin.

Hindi ba malinaw na panggugulang ang kuwentahan ?

Pangulong Noy, maraming bilib ngayon sa ginagawa niyong paglilinis sa gobyerno – sinisikap niyong itinutuwid ang lahat ngunit, puwede po ba na inyo rin pakilusin ang DepEd para sa estilong bulok ng nakararaming pribadong eskuwelahan.

Kaya sa mga magulang, ‘wag tayong magpadala sa estilong bulok ng nakararaming pribadong eskuwelahan kundi magbantay tayo at sama-samang gisingin ang gobyernong PNoy na aksyonan ang matagal nang maling gawain ng nakararaming pribadong skul.

Pangunong Noy, tulungan n’yo naman kaming mga magulang para sa kinabukasan ng aming mga anak at para na rin sa mga susunod na henerasyon. Sana huwag nang hintayin pang may magreklamo bago kumilos kundi ang dapat ay magsagawa ng inspeksyon ang gobyerno sa mga pribadong paaralan. Tiyak na marami silang mabubuko!

***

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *