Monday , December 23 2024

Naturalization ni Blanche aprubado na sa Senaado

APRUBADO na ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang Senate Bill 2108 na inihain ni Senator Edgardo ‘Sonny’ Angara upang maging naturalized na manlalaro ang sentro ng Brooklyn Nets ng NBA na si Andray Blatche.

Sinabi ng tserman ng komite na si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na hihingi siya ng sub-committee report tungkol sa pagnanais ni Blatche na maglaro para sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup sa Espanya sa Agosto at ang Asian Games sa Incheon, Korea, sa Setyembre.

Sinabi ni Gilas coach Chot Reyes at ng kasalukuyang naturalized na manlalaro na si Marcus Douthit na pareho nilang nakausap  si Blatche.

“In our first conversation (with Blatche) I asked him if he really wants to do this,” recalled Reyes. “He knows that he has to give up the (NBA) offseason and practice (for Gilas),” wika ni Reyes. “My job is to give our team the best representation. We want to play the right way. I don’t think there is another NBA player as willing as Blatche; I feel he’ll boost our chances.”

Iaakyat ang nasabing bill ni Angara sa dalawa pang mga komite sa Senado bago ito isama sa House Bill 4084 ni Rep. Robbie Puno at kapag pareho itong pasado na ay ibibigay kay President Benigno ‘Noynoy’ Aquino para mapirmahan at tuluyan na itong isabatas.

Hanggang Hunyo 30 ang pagsumite ng kompletong listahan ng mga manlalaro ng lahat ng mga bansang kasali sa FIBA World Cup.

Kapag aprubado na si Blatche ay tuluyan na itong papalitan si Douthit dahil isang naturalized na manlalaro lang ang dapat isabak ng isang bansa sa mga torneong hawak ng FIBA.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *