Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lola, 2 apo utas sa gasera

040314_FRONT

ISANG 68-anyos lola at dalawa niyang apo ang namatay makaraang masunog ang kanilang bahay habang natutulog sa Taguig City, iniulat kahapon ng umaga.

Kinilala ni Taguig City Fire Marshal, C/Insp. Juanito Maslang, ang mga biktimang sina Zenaida delos Santos, 68, mga apo na sina Roniel, 8 anyos, at Ariana delos Santos, 1 taon gulang.

Natagpuan ang lola  na kayakap pa si Ariana, na nagdiwang ng kanyang unang kaarawan kahapon (Abril 2) at sa ‘di kalayuan nakita  ang katawan ni Roniel.

Ayon kay S/Insp. Severino Sevilla, deputy chief operations ng Taguig Fire Station, gasera ang pinagmulan ng sunog na ginagamit ng mga biktima dahil wala silang koryente.

Ani SFO2 Pedrito Polo, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya delos Santos sa Paco St., Coco Hills, Barangay Bagumbayan.

Tinatayang nasa P100,000 halaga ng ari-arian ang naabo at dakong 12:55 ng hatinggabi nang idineklarang fire out.

nina MANNY ALCALA/JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …