Saturday , November 23 2024

Grade 5 pupil nilamon ng enkantadong ilog

RIZAL – Sa kabila ng pagbabawal ng mga awtoridad na maligo sa enkantadong ilog ay hindi napigilan ang grade 5 pupil sa pagpuslit at naligo na naging dahilan ng kanyang kamatayan sa Antipolo City kamakalawa ng hapon .

Kinilala ni Antipolo PNP chief, Supt. Arthur Masungsong ang biktimang si Allan Rubia, 11-anyos, nag-aaral sa Bagong Nayon Elem. School at residente ng Brgy. Sta Cruz ng nasabing  lungsod.

Nalunod ang biktima dakong 3 p.m. sa tinaguriang enkantadong ilog sa Sitio Bibit, Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City.

Naliligo ang biktima kasama ng kanyang mga kaibigan nang sumpungin ng sakit na epilepsy na naging dahilan ng kanyang pagkalunod.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na may batang nalunod sa enkantadong ilog dahil sa patuloy na pagbabalewala sa pagbabawal ng mga awtoridad.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *