To senor panaginip,
Gud am po sir, mahilig aqo kmanta at mag-guitar, taz nppnaginipan q poi to, anu kya dahilan nun? Dahil b s hilig q ito o may pnhihiwatig s akin ung dream q? pls paki interpret amn po sir, wait q ito s hataw…. Salamat.! Wag u n lng popost cp q po, im joeyboy..!!
To Joeyboy,
Kapag ikaw ay nakakita ng gitara sa panaginip, ito ay nagre-represent ng ukol sa passion at emotion. Ito ay maaaring may kaugnayan din sa sexual connotations at posibleng maging hudyat ng ukol sa erotic or sensual dream. Kapag naman ang gitara ay sira o naalis ang strings, posibleng ito ay may kaugnayan sa disappointment sa pag-ibig.
Ukol naman sa bungang-tulog na kumakanta ka, ito ay may kaugnayan sa happiness, harmony at joy sa ilang sitwasyon o pakikipagrelas-yon. Ang iba ay naia-uplift mo sa iyong positibong ugali at cheerful disposition. Ang pagkanta ay isang paraan din ng pagdiriwang, pakikipag-communicate, pag-akap at pagpapahayag ng damdamin. Kapag naman nakarinig na may kumakanta sa iyong bungang-tulog, ito ay nagsasaad ng emotional at spiritual fulfillment. Ang iyong mood ay nagbabago at nagiging positibo dahil sa pag-angat ng iyong pana-naw sa buhay.
Posible rin naman na kaya mo ito napanaginipan ay dahil hilig mo talaga itong gawin kaya naging ganito ang tema ng iyong panaginip.
Señor H.