Monday , December 23 2024

Entertainment editor na utol ng Pasay VM binantaan ng abogado

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang kapatid  ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre, para ipa-blotter ang natanggap na pagbabanta sa buhay ng kanilang buong pamilya.

Sa pahayag kay SPO1 Nestor Rubel ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, sinabi ni Ruben  Pesebre y Roldan, nasa hustong gulang,  Engineer, ng 72 Almazor St., Nichols, tinawagan siya ni Atty. Ferdinand Topacio noong Marso 31 sa kanyang tinutuluyang condominium sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City at pinagbantaan siya at ang buo niyang pamilya.

“Itigil mo ‘ang construction ng Voshe, ayusin mo ‘yan before or on April 7 or ipapapatay kita at ang buong pamilya saan man kayo magtago, at lumayas na kayo sa condo,”   ang sinabi ng abogado  nang tawagan siya (Pesebre) dakong 3:00 ng hapon.

Dahil sa takot sa mga  pagbabanta ni Atty. Topacio, agad siyang komunsulta sa abogado na nagpayo sa kanyang i-report ang pangyayari sa pulisya.

Si Ruben Pesebre ay isa rin entertainment editor ng People’s Journal na kilala sa pangalang Butch Roldan. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *