ANG simbolo ng eight immortals ay ikinokonsiderang especially powerful cure dahil tayo ay nasa tinaguriang period 8 feng shui. Ang number eight, sa pangkalahatan, ay very lucky, dahil ito ang numero nang walang hanggan at walang katapusang biyaya. Kaya, sa pagdadala lamang ng presensya ng ano mang po-werful beings sa number 8, lalo nating napalalakas ang kanilang katangian sa pa-borableng paraan.
Katulad ng karamihan sa feng shu cures, ang eight immortals ay Chinese symbol ng kasaganaan at mahabang buhay. Katulad din ng Fuk Luk Sau, halimbawa, o Laughing Buddha. Bilang pamosong simbolo, ang eight immortals ay madalas na inilalarawan sa iba’t ibang art forms – mula sa pagiging estatwa hanggang sa wall hangings at iba’t ibang household items.
Ang pagiging luma, culturally specific symbol, ay nangangahulugan din na mayroong iba’t ibang alamat, kathang-isip, at interpretasyon sa kung ano ang kasaysayan at kahulugan ng enerhiya ng eight immortals.
Sa madaling salita, ang eight immortals ay super-natural beings – na maaa-ring makatulong sa mga tao sa iba’t iba nilang mga layunin. Dahil sila ay walo, lohikal lamang na ang bawat isa ay nakahihigit sa ilang bagay kaysa iba sa kanila, kaya katulad sa Three Star Gods, o Fuk Luk Sau, ang eight immortals ay may sariling kakaibang tungkulin at responsibi-lidad.
Ang kapansin-pansin dito ay dalawa sa walo ay mga babae. Hindi ito ma-dalas makita sa Chinese mythology na ang kababaihan ay madalas gumaganap bilang tagasunod lamang. Ang dalawang very popular feng shui symbols at female deities – na sina Kwan Yin at Tara – ay hango lamang mula sa ibang kultura.
Ang isa pang interes-ting fact, bukod sa kasarian, ay iba’t iba rin ang kanilang katangian, may mahirap, may mayaman, may bata at may matanda.
Lady Choi