HULING nakita sa gitna ng ring para mag-reperi si Kenny Bayless sa naging laban ni Manny Pacquiao kay Juan Marquez noong Disyembre 2012.
Na kung saan ay naging saksi siya nang bumagsak sa canvas si Pacquiao nang tamaan ng matinding kanan ni Marquez sa 6th round
“Pacquiao walked into that right hand…Pacquaio was lying motionless… When I saw his face on the canvas, and he was making no effort to try to get up, that’s when I just stopped it. I had seen enough,” pahayag ni Bayless, sa naging interview ng RingTV.com isang araw ang nakalipas pagkatapos ng laban. “I could just look at him and see that… Pacquiao’s eyes were kind of glassy, if I recall. Kind of glassy. But I could only see one eye, because his face was sideways on the canvas. Pacquiao really took a hard fall.”
Ngayon ay nakatakda namang maging saksi si Bayless bilang reperi ng rematch ni Pacquiao kay Bradley na mangyayari sa MGM Grand sa Las Vegas sa Abril 12.
Ididepensa ni Bradley ang tangang korona sa WBO welterweight na inagaw niya kay Pacman noong June 2012.
Bukod kay Bayless, ang mga huradong ipupuwesto ng Nevada State Athletic Commission ay sina Judges Glenn Trowbridge ng Nevada, Michael Pernick ng Florida at John Keane ng England.