ARESTADO ang dalawa katao na pinaniniwalaang suppliers ng mga pampapasabog sa rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Region XI.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng AFP at NBI Region-XI ang pinaniniwalaang tiangge ng mga pampapasabog sa Poblacion Nabunturan, Compostella Valley kamakalawa at tinatayang nasa P300,000 halaga ng mga sangkap sa paggawa ng pampasabog ang nakompiska ng raiding teams.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Public Information Officer Capt. Alberto Caber, nakompiska sa dalawang naarestong suppliers ang 275 kilo ng ammonium nitrate, 1,132 metro ng time fuse, 569 blasting caps, isang drum ng cyanide at tatlong kilo ng mercury chemicals.
Sinabi ni Caber, nasa kustodiya ng NBI-XI ang dalawang naaresto na nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9561 (for selling, manufacturing, prossessing and dealing of explosives).