Tuesday , December 24 2024

Krimen sa Caloocan lumalala

MASYADO yatang nagiging pabaya sa kanilang mga tungkulin ang pamunuan ng Caloocan City Police at ang Caloocan City government dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga opisyal ng barangay na ang may kinalaman ay pawang riding-in-tandem.

Dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga opisyal ng barangay ay nangangamba ngayon ang mga residente sa posibilidad na lalo pang tumaas ang kriminalidad sa kanilang lungsod dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga naging biktima.

Matatandaan na ilang araw lamang ang nakalilipas ay napatay ng riding-in-tandem si Kapitan Boy Buko ng Barangay 163 habang nitong Marso 22 ay pinatay din si Kagawad Louie Banzon ng Barangay 187 at ang pinakahuli ay nito lamang Marso 25 na pinagbabaril hanggang mapatay si Kapitan Pete Ramirez ng Barangay 183, pawang mga nasasakupan ng Lungsod ng Caloocan.

Sa mga pangyayaring ito, nakapagtataka na parang wala man lamang ginagawang aksiyon si Caloocan City Mayor Oca Malapitan at ang lokal na pulisya upang maaresto ang mga may kagagawan ng krimen at tuluyan na rin mahinto ang pagpatay sa mga opisyal ng barangay.

Napag-alaman pa natin na ang tatlong napatay na opisyal ng barangay ay pawang mga tagasuporta ni 1stDistrict Congressman Enrico “Recom” Echiverri kaya’t hindi nawawala ang hinala na may kinalaman sa politika ang sunod-sunod na mga pagpatay.

Dapat siguro ay tutukang mabuti ng Philippine National Police (PNP) ang pagpatay na ito sa mga opisyal ng barangay sa Lungsod ng Caloocan dahil kapag hindi ito napigil ay malamang mas malala pa ang magiging sitwasyon sa naturang lugar kapag nalalapit na ang eleksiyon.

Tinatawagan natin ng pansin ang PNP upang mabigyan ng pansin ang patayang ito sa makasaysayang Lungsod ng Caloocan nang sa gayon ay matahimik na rin ang kalooban ng ating mga kababayan na palaging nangangamba na maaari silang madamay sa mga kaganapang ito.

Nararapat din sigurong pakilusin ng Chief of Police ng Caloocan City na si Sr. Supt. Bernard Tambaoan ang kanyang mga tauhan upang matukoy ang mga taong may kinalaman sa mga naganap na pagpatay.

Bukod sa mga nangyaring pagpatay sa mga opisyal ng barangay ay mukhang tumataas din ang mga nagaganap na krimen sa naturang lungsod dahil na rin marahil sa kakulangan ng mga pulis na nag-iikot sa bawat sulok ng siyudad.

Kapansin-pansin din na hindi masyadong nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Caloocan PNP na nagreresulta kung bakit naglipana ang mga taong halang ang bituka partikular na sa mga kritikal na lugar sa lungsod.

Huwag din sanang magpalaki lamang ng kanyang mga alaga si Mayor Oca Malapitan sa loob ng kanyang tanggapan nang sa ganoon ay mabigyan ng katiwasayan ang lungsod na pansamantalang ipinagkatiwala sa kanya ng mga mamamayan ng Caloocan City!

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *