Friday , November 15 2024

DoTC binatikos ng consumers

BINATIKOS ng isang consumer bloc ang Department of Transportation and Communications (DoTC) ukol sa pagpirma sa isang kasunduan sa pagitan ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit, at ng AF Consortium para sa ticketing system project na umano’y kabilang sa napakaraming iregularidad ukol sa bidding.

Tila nauulit muli ang kasaysayan, ang mga opisyal ng DoTC at ilang opisyal ng AF Consortium ay lumagda sa isang kasunduan upang ipatupad ang P1.7 billion automated fare collection system project sa isang silid ng Shangri-La Hotel sa Edsa  ganap na 2:30 ng hapon.

Ito ay isang paalala na noon ilang taon na ang nakararaan, ilang opisyal ng DoTC ang lumagda sa makontrobersyang ZTE-NBN deal nang palihim noong Marso 2008.

Ang go-ahead ay naganap noong Abril ng taon nabanggit.

Kinondena ni Atty. Oliver San Antonio, spokesperson ng National Coalition of Filipino Consumers, ang DoTC sa patago at patraydor na pagpirma sa kasunduan kahapon sa Shangri-La Hotel.

“Ang kasunduan ay labis na nakasasama sa pamahalaan,” aniya.

Imbes P1 bilyon ang napagkasunduan, ang AF Consortium ay magbabayad lamang ng P200 milyon sa gobyerno, at ang nalalabing P800 milyon ay ibabayad sa pamamamagitan ng installment basis sa loob ng 10 taon.

“What is more damning is the fact that this 800 million pesos which rightfully belongs to the government, will only be paid through installments and it depends if the ridership volume reaches 750,000.

The MRT-LRT system combined can only serve 500,000 commuters. Where will the MRT-LRT get the extra 250,000?Alam ng AF Consortium ang lahat ng eto, nguni’t patuloy silang nagsinungaling,” sambit ni San Antonio.

Ayon kay San Antonio, pinayagang ng DoTC ang isang kompanya na lumahok sa bidding ng MRT-LRT common ticketing system project sa kabila ng pagsama sa kaso laban sa pamahalaan at pagiging part-owner ng MRT3 Corp.

“Eto ay isang malinaw na paglabag sa DoTC bidding rules na nagbabawal sa paglahok ng mga kompanyang may interes sa transportation services at nakapagsampa ng kaso o claims sa pamahalaan,” diin ni San Antonio.

Aniya, ang lahat ay may kinalaman sa darating na halalan ngayon 2016 dahil ang Ayala Corp. ay naging campaign contributor ng Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 presidential election.

Inaasahan ang nasabing korporasyon ay susuporta sa pagtakbo ni DILG Secretary Mar Roxas sa pagkapangulo.

Si Roxas ang standard bearer ng Liberal Party na si DoTC Secretary Emilio Abaya ang secretary general.

“Why the haste? Nanganganib ba ang Liberal Party na hindi susuporta ang Aya-las kay Roxas?” tanong niya.

(MON ESTABAYA)

 

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *