Thursday , November 14 2024

185 CCTVs ikakabit sa Maynila

My salvation and my honor depend on God; he is my mighty rock, my refuge. —Psalm 62-7

ITO ang eksaktong bilang na mga Closed-Circuit Televisions (CCTVs) at nakatakdang ikabit sa mgastrategic areas sa Maynila, na may layuning ma-monitor ang trapiko, kriminalidad at iba pang kaganapan sa Lungsod.

Ayos ‘yan mga kabarangay, magiging open windowna ang lahat ng sulok ng Maynila. Wala nang maitatago, wala nang lulusot, dahil nakamata sa ating paligid ang mga hi-tech CCTVs.

Kaya pati pa-simpleng pag-ihi sa kalsada, huli-cam ka!

***

ABA, kung ganoon pala, ano pang ang silbi nina Carter Logica ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Kaunting trabaho na lamang ang gagawin ng kanyang traffic enforcers. ‘Ika nga pa-orbit-orbit na lamang sila sa mga terminal!

At ang pulisya sa ilalim ng liderato ni MPD Director Rolando Asuncion, magmamasid na lamang sila sa paligid, bawas trabaho sa kanila ang CCTVs.

Kaya, kapag nakalusot pa ang mga kriminal sa kanila, susme, ibalik na lang sila sa grade one!

CCTVS, BAWAS KOTONG?

NAKASENTRO pala ang mga ii-installed na CCTVS sa matataong lugar, gaya ng Divisoria, sa kahabaan ng Recto at sa University belt area.

Kaya pala hindi na naka-focus ang “tara” ng “hepe” ng DPS na si Che Borromeo sa Divisoria dahil tiyak yari siya roon. Lumipat na sila ng lugar at ang pinipiga naman ay vendors sa Blumentritt, Pritil Market at sa Sta. Cruz, Quiapo.

Hindi ba Fernando Luga este Lugo ng DPS-District III?!

UMAASA naman tayo na magiging epektibo ang pagkakabit ng CCTVs sa Maynila laban sa krimen, trapiko at iba pa.

Basta bantayan lamang ni Pangulong Erap ang mga nasa likod ng monitoring system ng CCTVs baka minamanipula nila ang camera.

Kaya nga raw, mas okey din kung magkakabit ng CCTVs sa loob ng mga opisina sa city hall, ehek!

AYUSIN ANG TOWER CLOCK!

PINALINIS ng Pangulong Erap ang buong paligid ng Manila City hall upang maging kaiga-igaya umano sa paningin ng publiko.

Inayos ang mga obstruction sa daan at binakuran ang ilang paligid ng city hall. Pinaikutan din ng ilaw ang buong gusali ng LED lights.

Pero, tila nakalimutan yata ni Pangulong Erap na ipaayos ang tower clock ng city hall.

***

ANG tower clock ang nagsisilbing landmark ng Maynila. Lahat nakatuon sa malaking orasan kapag magagawi sa city hall.

Kaya malaking desmaya ng publiko na makitang sira o wala sa tamang oras ang tower clock na batayan ng publiko na sila ay nasa premier city ng bansa.

ERAP, BUMISTA SA RAC

BUMISITA pala si Pangulong Erap nitong Miyerkoles, Marso 26 sa Reception and Action Center (RAC) sa Arroceros.

Nag-inspection si Pangulong Erap sa mga kabataan sa RAC at inalam ang kanilang tunay na kalagayan at pangangailangan. Nangako na maglalaan ng sapat na pondo para sa kanilang pagkain, kalusugan at rehabilitasyon.

***

KATULAD rin sa RAC ang mga matatanda at bata na nasa Manila Boystown sa Parang, Marikina, ay naghihintay rin na madalaw man lamang ni Pangulong Erap.

Umaasa tayong panimula lamang ito at nakalinya niyang bisitahin ang Boystown na inireklamo sa atin kamakailan na may nagaganap na pagmamaltrato ang ilang house parents sa kanilang mga alaga.

LIGTAS PA BA

SA METRO MANILA?

MATINDI na talaga ang problema sa peace and order sa Metro Manila, kaliwa’t kanan ang nangyayaring krimen na ang pinakahuli ay ang pagsalakay ng kilabot na”Martilyo Gang” nitong Linggo sa SM Mall of Asia.

Bagama’t mabilis ang pagresponde ng mga pulis, hindi pa rin maituturing na ‘good accomplishment’ ang pagkakadakip sa isa sa anim na suspek na nanloob na naman sa jewerly shop ng Department store. Dahil walang magaganap na panghoholdap kung mahigpit lamang ang ipinatutupad na security measures!

NCRPO General Carmelo Valmoria, what happen to our country?!

***

BIRUIN mo paano nakalusot ang mga armas at liyabe tubo sa loob ng pinakamalaking Mall sa buong Asya.

Nakakatakot ang ganitong pangyayari, araw pa naman ito ng Linggo, family day at halos lahat ay nasa mall, upang kumain at mamili. Kamukat-mukat mo may krimen na palang nagaganap sa pinapasyalan mo, malaking trauma ang aabutin lalo na sa mga batang kasama mo sa pamamasyal

Haayy, wala na ba talagang ligtas na lugar ngayon? kaya mga kabarangay laging mag-iingat!

***

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *