Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iregularidad sa raffle promo ng Solaire Casino

033114_FRONT
PITONG araw ang ibinigay na palugit ng Department of Trade and Industry (DTI) para simulan ang imbestigasyon sa inirereklamong iregularidad sa raffle promo ng isang malaking Casino sa Parañaque City.

Sa DTI Endorsement Letter na ipinadala ni Consumer and Trade Policy Division officer-in-charge Gerald Calderon kay Asst. Regional Director Ferdinand Manfoste ng DTI National Capitol Region (NCR), agad pinaaaksyonan ng una sa huli ang inirereklamong iregularidad sa raffle promo ng Solaire Casino.

Ang nasabing reklamo ay lumabas sa kolum na Bulabugin sa HATAW D’yaryo ng Bayan ni HATAW publisher at Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap nitong nakaraang Marso 24.

Pinuna ni Yap sa kanyang kolum ang sistema ng raffle na walang kinatawan ang DTI at ang pagkaltas ng 20% buwis sa item o cash na mapanalunan ng mga nabubunot sa nasabing raffle. Sa kolum ni Yap, sinabi niyang kung kotse ang napanalunan, hindi ito agad makukuha ng nanalo hangga’t hindi nababayaran ang kabuuang 20-30 porsiyentong buwis.

Ganoon din naman kung iko-convert sa cash, bukod sa papalitan ito ng plastic playing chips, babawasan din agad ng 20 porsiyentong buwis kung cash.

Kinuwestiyon ni Yap, batay sa mga natatanggap niyang reklamo, kung ang nasabing  20% ‘tax’ ay napupunta o naipapasok sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang iregularidad sa nasabing raffle promo ay ipinarating ni Calderon sa tanggapan ni Undersecretary Victorio Mario Dimagiba  ng DTI Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection. Inaasahan din ni Calderon na sa loob ng pitong araw ay may panimula nang datos si Manfoste para sa masusing imbestigasyon sa inirereklamong iregularidad sa raffle promo ng Solaire Casino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …