Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipinagbubuntis ni Ara, nalaglag

ni  Pilar Mateo

KAKAHIWALAY pa lang namin sa katsikahang si Aiko, ayun na ang paglalahad ni Darla Sauler sa Facebook ng umano’y pagtatapat sa kanya ni Ara Mina na nakunan pala ito noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.

Ayon daw sa kuwento sa kanya ni Ara, halos isang buwan na ang dinadala nito sa kanyang sinapupunan nang makompirma ito nang magbakasyon sila ng live-in partner na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Nang gawin niya ang huli niyang guesting sa MMK eh, nagdadalantao na pala ito. Kaya naman pala napansin din ang pagiging mataba ni Ara that time sa TV.

Ang plano pala eh, maging sorpresa ito sa lahat. Pero December 23, 2013 nga ito nakunan. At lumabas na raw agad ito sa Cardinal Santos Hospital kinabukasan kahit hindi pa nadi-D & G (dilation and cotterrage) o raspa dahil gustong makasama ang kanyang pamilya sa araw ng Pasko. Pero sa nasabing araw naman pumanaw ang kanyang lolo Mel (Mathay).

Ilang araw pa nga raw ang binilang bago siya sumailalim ng D&G dahil hindi naman siya dinugo. Nagkaroon siya ng spotting pero hindi raw ganoon karami ang dugong lumabas. Kaya ang D&G eh, February 18, 2014 na nangyari at na-discharge rin naman siya agad.

Hindi nga lang daw agad na nakompirma ni Ara ang nasabing balita dahil kinailangan pa nitong hintayin ang go signal ng kanyang partner tungkol sa kanyang miscarriage.

Kaya nga ayon kay Darla, ang mga hirit niyang biro sa kanyang close friend na aktres eh, ang tungkol sa wedding bells ng matagal nang hinihintay na mangyari sa dalawa. Madalas naman kasi itong iwasang pag-usapan ng nasabing Mayor.

Ang take ko naman, dahil nakakasama ko noon sa Bikram Yoga kay Al Galang ang dalawa, talagang nakita ko na si Ara na pinaghandaan ang  pagiging misis. At maski ang support system niya sa bagay na ‘yun eh, handa na rin. Binigyan na nga siya ni Jessa Zaragoza ng libro tungkol sa pagbubuntis. Panay na rin ang punta niya sa kanyang OB-Gyne para maging mataos na ang magiging tahanan ng kanyang magiging supling. At sa yoga nga, natututuhan din namin kay guru Al ang mga tamang posisyon para madaling mabuntis o makabuo ng magiging baby nila ang isang couple.

This may not be the time yet. At malamang sa pagdating ng kanilang supling, Mr. And Mrs. Patrick Meneses na silang haharap sa mata ng Diyos at tao.

Ang gagandang mga kuwentong Aiko at Ara sa akin, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …