ni Peter Ledesma
Makatarungan ba naman ang ginawa ni Cherie Gil, na matapos layasan ang on-going taping ng Ikaw Lamang nang walang abiso o paalam dahil mag-a-attend siya ng send-off party, siya pa ang may ganang magtaray ngayon sa production na involved sa kanilang top-rating teleserye? Kabaliw ang drama ng actress, na hindi na nahiyang hambalusin ang mga tao sa production at narito ang patutsada niya sa kanyang Twitter. “Work etchics? Why can’t it exist in the world of soaps? Sadly it doesn’t. There must be a better way. Ang gusto pa yatang palabasin ni Cherie ay dapat malaya siya at tama ang ginawa niyang pagwo-walk out. Hindi ba’t malinaw na ang ginawa niya ay pambabastos at kawalan ng respeto? Saka kung kailan siya nagkakaedad ay saka naman siya nagiging unprofessional? Samantala narito naman ang detalyadong kuwento ng head publicist ng Dreamscape Entertainment na si Kapamilyang Eric John Salut, na kanyang ini-post last Thursday sa kanyang FB account. Na tungkol nga sa controversial na pag-alis ni Cherie sa set ng Ikaw Lamang nang hindi pa natatapos ang kanyang mga eksena. Read n’yo ito at kayo ang bahalang humusga kung tama ba ang ginawa ni Cherie na mas inuna pa ang pakikipag-party sa kanyang trabaho.
“To set the record straight: Cherie Gil is supposed to shoot her scenes ’till 2am (the usual cut-off) but she wanted to leave at 10pm to attend the a send off party. Siyempre, hindi siya pinayagan ng production kasi hindi siya nagpa-alam ahead of time. She was permitted to a 2-week leave for her musical play. The day she walked out of the taping was the day she resumed taping for Ikaw Lamang. Why blame the production? Why blame the writers? This is not fair! Teka lang ha.”
Nang hingan ng reaction si Eric John kung ano ang mangyayari kay Cherie at sa karakter niya sa teleserye bilang si Miranda Salazar – Hidalgo na maybahay ng Mayor ng Salvacion na si Eduardo Hidalgo played by Tirso Cruz III. “Wait, natin from the bosses,” maikling sambit ng masipag na publicist-event host. Samantala as of presstime ay nag-taping na uli si Cherie. Pero kahit nagbalik-trabaho na ang actress, ay hindi na niya maiaalis ang nakadikit ngayon sa pangalan na unprofessional. Pangit talaga ang kanyang ginawa, alam niyang malaking bagay na pinagkakatiwalaan siya ng Dreamscape at kumikita siya ng malaking talent fee sa thrice a week nilang taping sa soap, pagkatapos ito pa ang igaganti niya. Saka, tama na ang pagpi-feeling star dahil marami kang ka-level pagda-ting sa husay sa pag-arte Ateng Cherie. At sa kabila ng nangyaring gulo, ay patuloy pa ring naghahari sa rating sa kanyang time slot ang
Ikaw Lamang. Huge success gyud!
Ali Forbes Talented, Kailangan Na ng Malaking Break
Naging matunog ang pangalan ni Ali Forbes nang magwagi siyang 3rd Runner-up up sa Miss Grand International na ginanap last year sa Bangkok, Thailand. Imagine marami silang contestants pero napansin talaga ng mga hurado si Ali. Ibig sabihin malakas ang dating niya kompara sa iba pang mga kalahok na ‘di pinalad sa na-sabing International Beauty Pageant. Ang edge pa ng alagang ito ni Ms. Claire dela Fuente ay mahusay siyang kumanta. Katunayan, may mga concert na ang nasabing morenang beauty queen at marami siyang pinahanga sa kanyang performance. Proud nga pala si Ali, na napabilang siya sa management ni Claire at kasama niya ang iba pang mga celebrity na hawak ng singer-businesswoman tulad ni Sam Pinto, Meg Imperial at Yam Concepcion. Gaya ng mga nabanggit na star ay kailangan lang ng malaking break ni Ali para lalo siyang makilala ng publiko. Gusto rin kasi niyang subukan ang pag-arte at type rin nitong magkaroon ng show na siya ang host. Why not gyud!
Korona Sa “You’re My Foreignay” Nakamit Ni Song Yung Kuk Ng South Korea
Si Song Yung Kuk, ng South Korea ang nagkamit ng korona o titulo bilang “You’re My Foreignay sa Grand Finals ng Eat Bulaga. Ang pagiging mala-Pinay ang dating at ga-ling sa pag-arte at pagkanta ng Chinito ang tatlong factor kung bakit nakamit ni Song ang crown. Isa sa nagsilbing judges sa You’re My Foreignay ay si Mel Tiangco na institusyon sa larangan ng broadcasting kasama ang mula sa Cultural Arts ng bansa na si Franciso Lardizabal, Miss Universe 2012 First Runner-up Janine Tugonon at mga Kapuso star na sina Richard Gutierrez at Heart Evangelista. At dahil sa sobrang napabilib sa contest ay pinuri ni tita Mel ang Eat Bulaga, sabay palakpakan ng audience sa ve-teran newscaster. Yes, dapat lang naman talaga nating papurihan ang mga taong nasa likod ng EB dahil tanging sila lang ang show sa bansa na nagbigay- halaga sa mga lalaki at babaeng banyaga na may 100 percent na du-gong foreigner pero may pusong Pinoy. Si Song Yung rin ang itinanghal na Dabarkads Choice Award na umabot sa 25, 116 ang nag-like sa kanyang larawan sa Official Facebook Fan Page ng EB. Bukod sa napanalonang P200K, binigyan rin ng P20K ang itinanghal na grand winner para sa napanalunang special award. Si Dasuri Choi mula pa rin sa South Korea ang itinanghal na 2nd Runner-Up at 3rd Runner-Up naman ang nagmula sa bansang Lituania na si Ieva Viideckyte. Bago pa kinoronahan si Song ay nagwagi na siya bilang You’re My Foreignay Bb. Visayas. Samantala ang 2nd Runner-Up na si Dasuri ay itinanghal na-mang You’re My Foreignay Mindanao. Sa mga titlist bukod tanging si Bb. Luzon Lindsey O’Connor ang hindi nagwagi ng titulo.