Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, katakam-takam para kay Ellen

ni  Pilar Mateo

MARAMING rason ang masasabi para sa inaabangang afternoon delight sa ABS-CBN simula March 31, 2014 right after It’s Showtime na  Moon of Desire.

Mapapanood na naman kasi rito ang panibagong karakter na sasakyan ni JC de Vera mula sa katauhan niya sa The Legal Wife  sa gabi na ang angas-angas ng karakter niya.

Sa Moon of Desire, isang dermatologist ang role ni JC na mahuhulog ang loob sa isang magandang babaeng may misteryosang sakit—tinutubuan ito ng sobrang buhok sa katawan—na sa pagsasaliksik ng creative team ng programa ito pala ‘yung tinatawag na hypertrichosis or Ambras Syndrome.

Ang alindog na taglay ng dalawang kababaihan dito na sina Meg Imperial at Ellen Adarna ang isa pang sangkap na tiyak aabangan dahil sa sensuwalidad na dadalhin ng kanilang mga katauhan.

Inaprubahan na at nakapasa na sa MTRCB ang unang pasada ng palabas. Na sabi rin naman ng isa sa direktor nito na si FM Reyes eh, hindi naman makagagambala sa panonood ng mga kabataang papatnubayan ng kanilang mga magulang o mas nakatatanda sa kanila.

Dalawang aktor din ang tututukan ditto—sa katauhan nina Dominic Roque at Miko Raval, pati na ang mga susuportang sina Dawn Jimenez at Beauty Gonzales.

Ang Moon of Desire ang titulo ng kanyang radio program na siya ring iikutan ng istorya ni Ayla. Na ang naturang pangalan, in Turkish means ay halo of light around the moon.

Sa paglulunsad ng teaser at trailer nito sa presscon na idinaos, marami na nga ang excited na mapanood ang magagandang eksenang ipinatikim na sa press na nakapanood.

Ang walang keber at nakilalang woman of the world na si Ellen ang isa sa rason kung bakit din hindi bibitawan ng mgamanonood ang palabas.

Kahit may boyfriend na ito, buong ningning naman niyang inamin na she really finds the guys inMoon of Desire desirable lalo na si JC na nakasalo na niya sa ilang sexy scenes sa nasabing palabas.

There is something in that car scene na tiyak hindi raw makakalimutan ng mga adult viewer.

Dati ng may inaalagaang career si Ellen pero hindi naman siya naalagaan ng estasyong nag-manage sa kanya. Plano na nga raw niyang mag-quit pero may nag-advice lang sa kanya na sumubok naman sila sa iba. And ABS-CBN it is!

Kung napanood niyo siya sa AngTag-Araw ni Twinkle, may ibinuga na si Ellen sa kanyang pagganap doon.

Eto na ang tag-araw at handa na ang Moon of  Desire na lalo pang painitin ito.

KINAKIKILIGANG PAG-IIBIGAN, HANDOG NG MMK

AT kung pag-iinit din lang ng damdamin ang pag-uusapan, isang ‘kakilig’ pa rin na istorya ng pag-iibigan ang ihahatid ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado (March 29) na tatampukan nina Coney Reyes at Bembol Roco.

Para ito sa mga naniniwala sa ikalawang glorya o second chances sa pag-ibig. Dahil ang mga katauhan nila bilang Angie at Bert ay nagsimulang magkasintahan sa kanilang kabataan pero pinaglayo ng pagkakataon. Nang muli silang magkita eh, mga balo na sila. Kaya, padadala pa ba sila sa bugso ng damdamin nilang ituloy ang naunsiyami nilang pagmamahalan?

Gaganap bilang mga batang Angie at Bert sina Jane Oineza at Yves Flores kasama sina Tommy Abuel, Jobelle Salvador, Nene Tamayo, Jeffrey Hidalgo at iba pa sa direksiyon ni Raz dela Torre.

Muli na namang aantigin ng longest running drama anthology in Asia ang inyong mga puso. Ang tahanan ng mga award-winning na istorya ng bawat isa sa atin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …