Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, ibang performance ang ipakikita sa DOS: The Daniel Padilla Birthday Concert

ni  Rommel Placente

PAGKATAPOS ng kanyang successful debut concert noong nakaraang taon, magbabalik si Daniel  Padilla sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 30 (Miyerkoles) para sa kanyang pangalawang major concert billed as  DOS: The Daniel Padilla Birthday Concert.

Isa itong gabi na puno ng rakrakan at kasiyahan—tatak DJP.

Kakantahin ni Daniel ang mga bago at lumang old school rock songs na malapit sa puso niya gaya ng One Way or Another ng Blondie,  Something ng Beatles, at You Really Got Me ng Van Halen.

Wish ni Daniel na gaya ng nauna niyang concert ay mapuno niya ulit ang Smart Araneta Coliseum sa pangalawang pagkakataon na sasabak siya sa concert.

“Sana mapuno. Ito na naman ‘yung kaba nararamdaman ko na naman, kasi concert na naman. Panibagong kanta na naman itong iparirinig ko. Ensayo na naman. Pero siyempre lahat gagawin natin para mapaganda ‘yung concert ko at magustuhan ng mga tao lalo na ng fans ko,” sabi ni Daniel.

Sa kanyang second major concert, nangangako si Daniel na kakaibang Daniel ang mapapanood ng mga tao sa kanya ngayon. Mas gagalingan niya raw ang performance niya.

“Siyempre kumbaga, na-experience ko na po ‘yung una eh. Ngayon alam ko na kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin kapag nasa stage na ako. This time mas lalo kong gagalingan ang pagkanta ko, ibibigay ko ang best performance ko.”

Mas gumaling kumanta ngayon

Sa tingin niya ba mas humusay siyang kumanta ngayon kompara sa nauna niyang concert?

“Hindi naman po, ano lang po siguro, mas kumapal lang ‘yung mukha ko ngayon,”  natatawang sagot ni Daniel.

“Siguro kumbaga, mas komportable kaysa noong una.”

Napi-feel ba niya ngayon na parang concert artist na rin siya dahil nagku-concert na siya sa malalaking venue at pangalawang concert na nga niya ang darating na concert?

“Hindi naman po. Hindi ko iniisip na pa-concert-concert na ako ngayon.

“Talagang ano, kumbaga kung nagko-concert man ako ngayon, kabayaran ko lang ‘yun sa mga supporter ko. Ito lang po ‘yung moment para magkita-kita kaming lahat, eh.

“Hindi ko masyadong kina-career ang pagiging singer. Sa acting na lang po ako.”

Magto-topless sa concert

Maraming nakakapansin na mas gumanda at lumaki na ngayon ang katawan ni Daniel kompara noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz na payat siya.

Maasahan ba ng fans niya, since maganda na nga ang pangangatawan  na may portion sa kanyang concert, na magpapakita siya ng katawan o magta-topless?

“Yung braso ko lang naman po ‘yung lumaki, ‘yung tiyan ko malaki pa rin kaya wala muna,”natatawang sagot na naman ni Daniel.

Isa ang ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo sa magiging special guests ni Daniel sa concert. At siyempre, may duet silang dalawa.

Ang tickets ng concert ni Daniel ay mabibili sa opisina ng Smart Araneta Coliseum at sa Ticketnet outlets sa buong bansa. Maaari ring tumawag sa Ticketnet Hotline na 9115555 0 mag-log-on sa Ticketnet.com.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …