SINAKSIHAN nina Pangulong Benigno Aquino III ang paglagda ng magkabilang-panig sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) kasama sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Quintos-Deles, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Governor Mujiv Hataman at GPH Peace Panel Chairperson Professor Miriam Coronel-Ferrer. (JACK BURGOS)
Una rito, nagsagawa ng vigil ang kapatirang Muslim bilang pagbu-bunyi sa paglagda ng Government of the Republic of the Philippines at MILF sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa Malacañang , kahapon.
Halos kasabay rin ang isinagawang lightning rally ng mga militanteng tagasuporta ng CPP-NPA-NDF, na may ka-ugnayan sa paggunita ng ika-45 taon ng pagka-katatag ng New Peoples’ Army (NPA) sa Marso 29.
Nagpoprograma umano ang mga Muslims bilang pagbubunyi sa paglagda ng CAB sa Mendiola bridge, nang biglang sumulpot ang grupo ng Kabataang Makabayan mula sa Bustillos na nagsisigawan, papalapit sa Mendiola bridge.
Dahil sa inakalang manggugulo, agad dumepensa ang grupo ng libo-libong Muslim na nakabase sa Metro Manila at ang iba ay mula pa Mindanao at sinugod ang mga aktibista hanggang nagkahabulan na nagresulta sa pagkasugat ng sampung aktibista.
Napayapa lamang ang magkabilang kampo nang mamagitan ang mga kagawad ng Manila police sa pamamagitan ni Supt. Marcelino Pedrozo na nakiusap sa mga raliyista at mga mananampalata-yang Muslim na maging mahinahon.
(leonard basilio)
PULIS, 2 AKTIBISTA SUGATAN SA US EMBA
Sugatan ang dalawang raliyista at isang pulis sa isinagawang kilos-protesta ng grupong Bayan sa harap ng US Embassy sa Roxas Bouvelard, Maynila, Huwebes ng umaga.
Nagkatulakan at nagkapukpukan nang pigilan ng mga pulis ang mga militante na maka-lapit sa gate ng US Embassy para sunugin ang bandila ng Estados Unidos.
Kinilala ang dalawang sugatang raliyista na sina Nestor Villanueva, nagkasugat sa noo at si Mika dela Cruz na may sugat sa ulo.
Sa panayam, sinabi ng mga nasugatan na pinukpok sila sa ulo ng isang pulis.
“Sinisilaban namin ‘yung flag ng US, nagpupumilit ‘yung mga pulis na kami’y maitulak tapos kakaatras ko noong nagpupumilit sila, pinalo ako sa mukha ng isang pulis,” sabi ni Villanueva.
Sa panig ng mga pulis, napaso sa kaliwang kamay si PO1 Edmar Castillo, nang sanggain niya ang sulo na ihahampas sana sa kanya ng isang raliyista.
Ang kasamahan ni-yang si PO2 Ryan Paculan ay nasunog ang maliit na bahagi ng uniporme.
Isang raliyista ang tinangkang arestohin matapos makipagsapakan sa mga pulis pero pinakawalan din.