Saturday , November 23 2024

Kahirapan talamak sa Mindanao (Palasyo aminado)

032814 pnoy malacanan bangsamoro
NAKIPAGPALITAN ng kuro-kuro si Pangulong Benigno Aquino III kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Haj Murad Ebrahim sa courtesy call sa President’s Hall ng Malacañang Palace kahapon. Nagtungo sa Palasyo ang grupo ng MILF para sa paglalagda sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) kahapon. Kasama ng Pangulo sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Quintos-Deles, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Governor Mujiv Hataman, at GPH Peace Panel Chairperson Professor Miriam Coronel-Ferrer. (JACK BURGOS)

AMINADO ang Palasyo na hindi lamang ang armadong pakikibaka ang dapat tuldukan ng pamahalaan upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao kundi maging ang kahirapan at kakulangan ng oportunidad ng mga mamamayan.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi pwedeng ang armadong grupo o elementong militar lang ng rebeldeng grupo ang pupuksain ng gobyerno dahil pwedeng may umusbong na bagong grupo kapag hindi nalutas ang ugat ng rebelyon.

Paliwanag ni Coloma, kapag hindi ganap na nalutas ang suliranin ay magkakaroon ng puwang ang “spoiler” para lumikha ng ligalig at takot sa ating lipunan.

Ngunit nakahanda aniya ang pulisya at militar na pangalagaan ang kaligtasan, buhay at kapayapaan ng mga mamamayan.

Kaugnay nito, inihayag ni Coloma na posibleng tumulong sa counter insurgency campaign ng pamahalaan ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kapag nagpasya ang mga dating rebelde na sumapi sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Dati nang tumutulong ang MILF sa tropa ng pamahalaan sa pagtugis sa lawless elements sa  kanilang teritoryo sa pamamagitan ng binuo nilang Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG).

(ROSE NOVENARIO)

MILITANTE TINAWAG  NA ‘SPOILERS’

AYAW magpa-apekto ng Palasyo sa tinaguriang “spoilers” ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ngunit nakahanda anila ang pamahalaan na harapin sila.

Ito ang pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. hinggil sa naganap na riot kahapon sa Mendiola bridge ng mga taga-suporta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga kasapi ng National Democratic Front (NDF) na nag-lightning rally bilang paggunita sa ika- 45 anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Marso 29.

“Nakahanda po ang ating pamahalaan na tumugon sa mga lilikha ng kaguluhan at ligalig. Pero nais po natin na ang maging pokus natin ay hindi ‘yung spoiler kung hindi ‘yung pagdiriwang, sapagkat makasaysayang araw ito, at buong-buo ang ating determinasyon na masabi natin sa buong mundo ‘yung ating pakikiisa sa ating mga kapatid sa Mindanao na magtatag doon ng kapayapaan para sa kanilang pangmatagalang kaunlaran. So ang pokus natin ay doon sa positive, hindi doon sa mga spoiler, pero handa tayo para sa kanila,” ani Coloma.

Tiniyak din ng Kalihim na ang inaasahang panggugulo ng iba pang pangkat tulad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)  ay haharapin ng pulis at militar.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *