Saturday , November 16 2024

Hepe, 11 pulis ng San Juan Batangas inasunto sa NAPOLCOM (Sa pagtatanim ng ebidensiya)

SINAMPAHAN ng reklamo ang hepe ng San Juan Police sa lalawigan ng Batangas, at 11 niyang mga tauhan bunsod ng sinasabing pagtatanim ng ebidensya sa hinuli nilang isang lalaki sa kasong paglabag sa Sections 12, Art. II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

Ang mga sinampahan ng kasong “planting of evidence” sa National Police Commission (NAPOLCOM) ay kinilalang si Chief Insp. Pablo Macatangay Aguda Jr., hepe ng San Juan Police Station, at kanyang mga tauhan na sina PO2 R. Hernandez Bathan, PO3 Dondon Maracareg, PO3 Tystan Joshua Trinidad, PO3 Reynante Pilapil, PO1 Jack Balmes, PO3 Henry Gumapac Trinidad, PO1 Erick Trinidad, PO3 Jeremy Ambita, PO2 Chrisopher Rosales Escavel, PO Litong, at PO1 Ryan Punzalan.

Ayon sa nagreklamo na si Nila Carreon, hinuli ang kanyang anak na si Rhonald Carreon ng nabanggit na mga pulis noong Nobyembre 11, 2013.

Sinabi ni Nila na agad silang nagtungong mag-asawa sa himpilan ng pulisya at naabutan ang hepe na si Aguda habang iniimbestigahan ang kanyang anak na nakaposas.

Nang aniya’y itanong niya kung may nakuhang droga sa kanyang anak, sinabi aniya ng hepe na “Wala naman ho pero ikukulong namin siya.”

Nagtanong uli siya kung bakit ikukulong e wala namang nakuha. Ngunit sumagot aniya ang hepe na “Kami na lang ang gagawa ng paraan.”

Ayon kay Nila, inakala niyang sa sinabi ng hepe na gagawa sila ng paraan ay makalalabas na ang kanyang anak ngunit ang gagawin palang paraan ay ang pagtatanim ng ebidensya laban kay Rhonald.

Sa salaysay naman ni Rhonald, inihayag niyang naglatag ng mga ebidensiya sa mesa ang mga pulis at pilit na ipinatuturo sa kanya habang kinukunan siya ng larawan.

Nang tumanggi aniya siya ay inambaan siya ng mga pulis kaya napilitan siyang sundin ang utos sa kanya.

Giit ni Nila, walang nakatala sa record ng Brgy. Buhay na Sapa sa ganoong petsa na may naganap na buy-bust operation taliwas sa isinumiteng sertipikasyon na may lagda ng punong barangay na si Alex Salapare.

Binigyan ng NAPOLCOM ang mga inireklamong pulis ng limang (5) araw para sagutin ang alegasyon ni Carreon.

Kapag napatunayang  lumabag sa mga proseso, posibleng masibak ang hepe at 11 pulis sa serbisyo. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *