Tuesday , December 24 2024

Duterte sinisimulan na?

MUKHANG nalulusutan na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng mga kumag ng lipunan.

Ito ang konklusyon ngayon ng nakararaming mamamayan hindi lamang sa Davao City kung hindi sa buong bansa dahil sa pagkakakompiska ng sangkatutak na cocaine sa kanyang nasasa-kupan ay isang sampal at pampapahiya sa kanyang pagkatao bilang isang mahusay na lider ng lipunan.

Maging ang pagkawala ng 16 bundles pang cocaine ay isang malinaw na manipestasyon ng kawalang takot ng mga kriminal kay Duterte na kilalang kilabot ng masasamang loob sa bansa.

Dito marami tuloy ang napapaisip na posibleng may kamay na rito ang maruming politika dahil isa si Mayor Duterte na ikinokonside-rang malakas na kalaban sa 2016 presidential dearby.

Sa maikling salita, demolition job ito kay Duterte at dito dapat siyang maging mapagmanman lalo’t higit ang kanyang mga tauhan dahil mukhang nagsisimula na ang maruming laban na gigiba sa pangalan ng alkalde.

Mabigat sa una ang laban ni Duterte dahil hindi niya kapado at kilala ang mga nambuburaot sa kanya pero dahil nariyan sa kanyang panig si retired general Frank Villaroman, na bihasa sa intelligence work kaya’t pasasaan ba’t makikilala rin nila ang mga hinayupak na naghahasik ng lagim sa Davao at sumisira sa mabuting pa-ngalan ng mayor.

Hindi biro ang P300 cocaine para madiskubre sa Davao kaya’t ang paglalakas-loob pa lamang ng mga drug syndicate na ibagsak ito sa lugar ni Duterte ay isang patunay na sinusubok na nila ang kakayahan ng alkalde.

Antay-antay lang tayo pag may time pero tiyak kong ang pagkakatuklas ng cocaine sa balwarte ng mga Duterte ay simula na para pabagsakin at sirain ang pangalan niya sa bansa dahil isa siyang matibay na contender sa 2016.

***

Mukhang nag-ceasefire na ang kampo ni Manila Mayor Erap Estrada at VP Jojo Binay.

Siguro ay napag-isip-isip rin ng dalawang panig na wala silang panalo kapag ipinagpatuloy nila ang kanilang iringan dahil administras-yon lang ang makikinabang.

Dapat ganyan ang mga taktika ng mga politiko sa bansa dahil ang 2016 ay medyo malayo pa kaya’t hinay-hinay lang dapat ang laban.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *