GUSTO natin batiin ang ating Pangulo sa pagsisikap ng kanyang administrasyon na malagdaan ang Comprehensive Agreement on Bangsa Moro kahapon.
S’yempre sa signing, normal lang na naroroon ang mga bida. Unang-una na si Secretary Teresita ‘Ging’ Deles, government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer, at dumalo rin sa ceremonial signing si Malaysian Prime Minister Najib Abdul Razak.
Ang Malaysia ang tumayong third party facilitator sa usapang pangkapayapaan ng government peace panel at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Hindi yata kukulangin sa 500 opisyal at miyembro ng MILF sa pangunguna ni Chairman Al Haj Murrad Ibrahim ang dumating sa Malacañang para saksihan ang pirmahan.
Ang utol ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si Kris Aquino ay parang first lady sa kanyang suot na blue gown.
Pero, ito naman po ang main concern natin, sana lang ay huwag matulad ang Comprehensive Agreement on Bangsa Moro sa masamang nangyari sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Milyon-milyon pondo na hindi napakinabangan ng mga kapatid nating Muslim.
Mga pondong ninakaw pero wala naman nakasuhan.
Kahit anong diin ni Secretary Deles sa salitang ‘PEACE’ pero kung ang katumbas at kahulugan naman nito ay ‘rest in peace’ ‘e hindi po magkakaroon ng social order sa Mindanao.
Ang ALAM po natin, ang TUNAY NA KAPAYAPAAN, ay nararapat na nakabatay sa katarungan para magkaroon ng kaunlaran tungo sa matatag na panlipunang kaayusan.
Simpleng formula, pero nagiging komplikado dahil sa interes ng iilan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com