Friday , November 15 2024

P10-M patong vs Tiamzons bigtime racket ng gov’t/AFP

“MUKHANG pinagkakakitaan pa ng gobyerno at militar ang ilegal na pag-aresto at pagdukot ng peace consultants, mga aktibista at ordinaryong sibilyan,” pahayag ni Karapatan secretary general Cristina Palabay kaugnay sa P10-milyon patong sa ulo ng mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria.

“The Aquino government’s practice of criminalizing political acts to cover up the illegal arrests of peace consultants, activists and civilians is legitimized by the highly questionable Joint memorandum 2012-14 of the Department of National Defence and of Interior and Local Government,” ayon kay Palabay.

Tinagurian ng Karapatan ang reward system bilang ‘one-time, big-time’ organized racket ng DILG at DND, at ang listahan anila na “secret hit list” ay katulad ng Order of Battle ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Anila, ang nasabing hit-list ay nagtataglay ng 236 alleged communist leaders na may kabuuang reward money na P426 milyon para sa kanilang pagkaaresto.

Ito rin anila ang listahan na nag-legitimized sa illegal arrest, torture at pagkakakulong ng security guard na si Rolly Panesa, na ayon sa militar ay si CPP-NPA leader “Benjamin Mendoza,” may patong na P5.6 milyon. Ang nasabing pera ay iginawad ng AFP sa hindi kinilalang tao.

Ang nasabing paglabag anila, ayon sa Karapatan, ay naganap din kay Oligario Sebas, magsasaka mula sa Manjuyod, Negros Oriental, na ikinulong din dahil ayon sa AFP ay si “Felimon Mendrez,” sinasabing CPP leader sa Negros.”

Ayon sa AFP, si Sebas ay may P5.2-milyon patong sa ulo at nasa nabanggit na listahan.

“The reward/bounty system is dangerous because it can be used to justify the victimization of any person so the military and police may get the reward money,” dagdag ni Palabay.

(KARLA OROZCO)

ARESTO VS CPP LEADERS IPINABUBUSISI SA KONGRESO

NAGHAIN sina Bayan Muna Party-list Reps Carlos Isagani Zarate at Neri Colmenares ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang pag-aresto at pagkulong sa mga lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito Tiamzon at Wilma Austria Tiamzon.

Ayon sa House Resolution 991, inaatasan ang House Human Rights Committee na busisiin ang sinasabing illegal na pag-aresto sa mga Tiamzon at lima nilang kasama sa Cebu nitong Sabado.

Inatasan din ang komite na imbestigahan ang sinasabing paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

“The illegal arrest and series of violations imperil the peace process and the just approach for a peaceful settlement to the armed conflict,” ayon sa resolusyon.

Ang mag-asawa at limang iba pa ay isinalang sa inquest proceedings sa multi-purpose hall ng Philippine National Police nitong Lunes. Ang lima ay sinampahan din ng kaso bunsod ng pagkupkop sa anila’y pugante.

Iginiit ng National Democratic Front na ang mag-asawang Tiamzon ay sakop ng JASIG ngunit itinanggi ito ng government panel. (FILIPINAS ALCALA)

INSULTO VS CPP DAPAT TIGILAN NG MILITAR

IGINIIT ng leftist group sa Armed Forces of the Philippines na tigilan na ang pang-iinsulto sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) kasunod ng pagkakadakip sa dalawang mataas na lider ng mga rebelde.

Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) si AFP public affairs office chief, Lt. Col. Ramon Zagala sa pahayag na ang mga rebelde ay walang dapat ipagdiwang makaraan madakip si CPP-NPA chairman Benito Tiamzon at asawa niyang si Wilma Tiamzon.

“What is the purpose of the taunting? Is it to further undermine any prospects for peace? Is it an attempt to get the other side to retaliate? It’s quite pathetic and exposes as a sham the Aquino government’s claims that it gives primacy to peace negotiations,” pahayag ni Bayan secretary general Renato M. Reyes, Jr.

Inakusahan ng Bayan leader ang militar ng pagtatanim ng ebidensiya katulad ng mga armas upang masampahan ng non-bailable charges ang mga Tiamzon.

Binatikos din niya ang peace advisers ng Palasyo sa pagbalewala sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

“Ging Deles and Alex Padilla should read the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees because their statements are becoming more absurd by the day. Padilla is wrong when he says JASIG does not apply to the Tiamzons because he has not seen them in any peace negotiations. He forgets that each party in the talks has the inherent right to issue documents of identification to its negotiators, consultants, staffers, security and other personnel. Whether or not Padilla has seen them face to face is irrelevant to their status as JASIG-protected persons,” ani Reyes. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *