ni ED DE LEON
AKALA namin noong una kung ano ang sinasabing aksidente raw ng aktor na si Lance Raymundo. Iyon pala sa kanyang pinag-eensayuhang gym nangyari ang aksidente nang bumagsak mismo sa kanyang mukha ang isang barbell na kanyang binubuhat. May nag-a-assist naman daw kay Lance pero mukhang nakabitaw nga iyon sa barbell.
Kailangang isugod agad sa isang ospital si Lance, at kailangan siyang sumailalim sa “reconstructive surgery” dahil nabali ang kanyang buto sa ilong.
Talagang diyan sa mga gym, matindi rin ang peligro.