Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makisig, nag-aral na lang habang nasa awkward stage

ni  Rommel Placente

NASA awkward stage noon si Makisig Morales kaya hindi siya nabibigyan ng serye ng ABS-CBN 2. Pero ngayong 17 years old na siya, nahanapan na siya ng project na nababagay sa kanya. Isa siya sa casts ng Mira Bella.

Ayon kay Makisig, na-miss niya raw ang mag-taping ng isang serye.

“Actually, nakaka-miss po talaga mag-taping. Everytime na nasa bahay o nag-aaral ako, iba po ‘yung saya sa taping. Hindi ka napapagod, nag-e-enjoy ka lang. ‘Yun po ang nami-miss ko sa taping,” sabi ni Makisig.

Dagdag pa niya, “Pero ‘yun nga, habang naggu-grow ka, talagang dumaraan lahat at ‘di naman maiiwasan ‘yan. Ano, tuloy-tuloy ang buhay.”

Sa mga panahong hindi aktibo si Makisig sa pelikula at telebisyon, naging aktibo naman siya sa Singles for Christ at sa pag-aaral. First year college student siya ngayon, taking up Bachelor of Science in Business Administration.

“Active po ako ngayon, bukod sa pag-aaral ay ‘yung mission in spreading the words of the Lord. Member ako ng musical play tungkol sa buhay ni Pedro Calungsod. Natutuwa rin po ako kina Sir Biboy (Arboleda, AdProm head of ABS-CBN) na  nandiyan pa rin para sa amin, na kung may project na bagay sa amin, hindi kami nakakalimutang isama.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …