ni RONNIE CARRASCO III
CREDIBILITY-WISE, mukhang sa aspetong ito nagkakasunod-sunod ang pagsablay ni Kris Aquino. Sa tulad niyang high-profile celebrity who’s an effective PR think tank herself, hindi niya kailangang magbayad ng kanyang mga publisista.
All that Kris should do is to post every single detail na nangyayari sa kanyang buhay on social media for free, at parang mga nagkalat na mansanas ‘yon na magkakandarapang pulutin (at patulan) ng mga reporter.
We can only cite examples to prove our point: isa na rito ang lagi niyang ipinagbabanduhang lovelife, from which ikinasisiya ng kanyang kalooban ang pagpatol ng media sa kanyang mga hinabing kuwento.
Ang latest, Kris has reportedly bought separate properties in Quezon City and in Manila bilang paghahanda sa sinusungkit niyang mayoral post in either city.
Financially, no doubt, kayang-kaya ni Kris bumili ng mga ari-arian anywhere that she wishes. Pero tinitiyak namin, kailangang pakinabangan ‘yon ni Kris more than dwelling in those palatial residences.
Kilalang matalino si Kris, she knows where to invest her money. ‘Yun nga lang, knowing how to regain her credibility is a different story.
Mayor either in Quezon City o sa Maynila?
Sa plano pa lang niyang ito ay batbat na si Kris ng kawalan ng kredibilidad. Parang kailan lang noong ianunsiyo niyang sa pagka-Gobernador sa lalawigan ng Tarlac ang target niya sa 2016.
Tarlac is, of course, the province of her forebears. Sa lalawigang ‘yon nagsimula ang political career ng kanyang nasirang amang si Ninoy, even her kin on the Cojuangco side.
Walang duda that Kris makes a good politician. Ang kinamulatan na niyang yaman ng kanyang angkan, idagdag pa ang sariling net worth make it so impossible na matulad siya sa maraming magnanakaw sa kabang-yaman ng gobyerno.
Hindi ang tipo ni Kris ang masisilaw sa pera for her personal gain.
Bagsak nga lang siya sa pagsusulit kung kredibilidad ang pag-uusapan. Para sa amin, ang salitang “credibility” ay pinsang-buo ng “integrity.”
Ferdinand Guerrero, nakabibilib
mag-Ingles
SA mga nasangkot sa insidenteng pambubugbog kay Vhong Navarro on January 22 this year ay dalawang babae lang ang pinanagot ng TV host-actor: sina Deniece Cornejo at Bernice Lee. All the rest are men, including Cedric Lee bilang pinuno umano ng grupo.
Of those guys, the last to have showed up in court was Ferdinand Guerrero. Kahit batay man lang sa VTR, pinabilib kami ng taong ‘yon sa kanyang pagsasalita: bukod sa pagiging disente, hinangaan namin si Ferdinand sa kanyang almost flawless English, even more articulate than Cedric.
Pero ang ganitong kahanga-hangang katangian mayroon si Ferdinand ay walang bearing sa kahihinatnan ng kasong kinakaharap ng kanyang tropa.
Sorry, but Ferdinand’s awesome stance is just icing on the cake: either his English in all its crispness can get him out of all the mess, or baka ‘yun pa ang magdiin sa kanyang sarili sampu ng kanyang mga kasamahan.
Samantala, nakatanggap kami ng isang text message patungkol sa isa sa mga kalalakihang sangkot sa January 22 bugbugan incident na ‘yon. Walang kinalaman ‘yon sa naturang kaso, kundi sa personal background ng isa sa kanila.
Ayon sa text message, one of those guys happens to have an affair with a rich gay na isang big-time gamer sa isang casino. Muli naming sinipat ang hitsura ng lalaking ‘yon sa mga nakunang larawan nang magsumite rin siya ng kanyang kontra salaysay sa DOJ.
At batay sa kanyang hitsura, hmmm…no wonder, even a gay zombie would go after his dick!