May bagong modus operandi na naman daw kaya madaling nakapapasok ang blacklisted foreigners sa NAIA Terminals 1, 2 & 3.
“Now you see it, next time you don’t.” ‘Yan daw ang sistema na mina-magic sa computer ang pangalan ng isang blacklisted foreigner dahil masyadong mahirap ngayon ang sistema sa Bureau of Immigration (BI) sa lifting ng kaso nila.
Kapag nagkasundo na sa transaksyon, pagdating ni blacklisted alien sa airport ay na-delete na sa derogatory record sa computer ang pangalan niya kaya kahit i-swipe ng IO (Immigration officer) ang passport ay hindi na mag-a-appear sa computer na may DERO.
So far, marami na raw ang maswerteng nakapag-avail ng ganitong ‘PROMO’ ng mga hinayupak na kawatan sa BI at dahil sa dami ng mga blacklisted foreign nationals ay hindi na mapapansin lalo pa at hindi naman sikat na personalidad ang mina-magic nila.
Mula nang binulabog ko ang ganitong raket na hindi malaman kung sa computer section nagmula, balita ko apat (4) na empleyado raw ng computer section ang nag-AWOL at kabilang sa kanila ang mga nabanggit ko sa mga nagdaang kolum ko.
That may smell something fishy ‘di ba!?
Napitik ko lang nagsipag-AWOL na!?
Paki-explika nga ang phenomenon na ito, Mr. Dino Visconde?
Matunog na matunog na ang modus operandi at nakaabot ito sa aking kaalamanan. May mga hawak akong pangalan ng mga foreigner na nakapasok na at kung itse-check sa data base n’yo, wala silang records of arrival pero nandito na ulit sila sa bansa! Kasalanan man ito ng mga IO o ng mga mokong na nag-AWOL na dapat lang maremedyohan ang ganitong problema dahil totoong nakaaalarma na.
Calling your attention, Madam SOJ Secretary Leila de Lima. Baka gusto n’yo pong imbestigahan ang modus na ito sa Bureau?
O baka naman ang gusto n’yo ay Kongreso pa ang mag-imbestiga!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com