Friday , November 15 2024

Droga at krimen sa Caloocan City hindi na masawata!

00 Bulabugin JSY

MALAPIT na raw mabansagang drug capital at hired killers capital ang Caloocan City dahil sa napakalalang problema ngayon sa peace and order ng lungsod na mayroong malaking papel sa kasaysayan ng pagsusulong ng kalayaan ng bansa.

Hindi ba’t ang dating “Kalookan” ay kilalang sanktwaryo ng mga rebulosyonaryo noong panahon ng Katipunan?

Pero ngayon ay nagiging pugad na umano ng mga drug dealer at kriminal.

Kamakalawa lang, isang barangay chairman ang tinambangan sa Amparo Subdivision sa District I ng Caloocan City.

Pero bago ‘yan, nagakroon ng drug raid sa Tala, Caloocan na kinamatayan ng isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) bukod pa sa araw-araw na may napapabalitang itinutumbang tanod, private citizen, negosyante at kahit na DepEd principal ay pinatay din d’yan sa Caloocan City.

Sa District II naman, hindi masawata ang bentahan ng droga at itinuturo ang isang alyas DEK-DEK na siyang numero unong bigtime tulak sa Caloocan City.

Kaya nga sising-alipin daw ngayon ang mga taga-Kankaloo kung bakit ibinotong Mayor si OCA ‘natural nine’ MALAPITAN.

Aba ‘e mula umano nang maupo si Ogag ‘este malo’ Oca ‘e sumigla ang bentahan ng droga sa Caloocan sa pamumuno nga niyang si alyas DEK-DEK.

‘Yan daw si alyas DEK-DEK ay nagpapakilalang ‘malapit na malapit’ o ‘Kamaganak Inc.’ sa isang mataas na opisyal d’yan sa Lungsod.

At siya mismo ang may alaga ng mga adik at tulak sa bentahan ng droga sa 5th Avenue. D’yan mismo sa squatters area malapit sa likod ng Chinese Temple sa LRT station.

Isang alyas NOMAN naman na puro tattoo ang katawan, barker ng mga jeep at anak ng isang driver na biyaheng Divisoria ang alaga at ‘hitman’ daw ni DEK-DEK na laging may sukbit na baril.

Dahil din umano sa pagtutulak ng droga kaya nakabili ng bagong bahay si alyas DEK-DEK.

Sonabagan!!!

Aba, Mayor Oca Malapitan, mukhang happy ang mga ‘TULAK’ d’yan sa teritoryo mo …wala raw kasing bulilyaso at tuloy-tuloy lang ang operasyon ng ‘DROGA’ sa inyong lungsod!?

Tsk tsk tsk …

Aba, kung totoo na ganyan na ngayon sa Caloocan,’e hindi na tayo nagtataka kung bakit sising alipin ang mga taga-Kankaloo ngayon!

Anong sey mo Mr. Baccarat ‘resorts world’ boy!?

ALIAS PO-2-10 DILA PENYA BAGMAN NG MPD PS-2

NAMUMUTIKTIK ang iba’t ibang klaseng sugal lupa at mesa ng color games sa nasasakupan ng Manila Police District (MPD) police station-2 dahil sa isang nagpapakilalang pagador/enkargado ng nasabing Presinto.

Binigyan aniya ng GO-SIGNAL ng isang alias PO-2-10 DILA PENYA ng MPD PS-2 ASUNCION PCP ang mga ilegalista para makakolektong ng ‘pitsa’ para raw sa kanyang bossing na si alias DEMAPERA?!

Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha si PO-2-10 DILA PENYA at ang lakas ng loob na suwayin ang utos ni Yorme Erap na ‘no-take-policy’!?

MPD DD Gen. ROLANDO ASUNCION sir, ‘yang sina DILA PENYA at DEMAPERA ang mga pulis-kotong na tiyak na magpapahamak sa ‘yo.

Pababayaan mo na lang ba na mamayagpag ang dalawang pulis-iskalawag na ‘yan!?

IMBESTIGAHAN ANG ‘PINDOT SYSTEM’ SA BI
(PAGING: SOJ LEILA DE LIMA)

May bagong modus operandi  na naman daw kaya madaling nakapapasok ang blacklisted foreigners sa NAIA Terminals 1, 2 & 3.

“Now you see it, next time you don’t.” ‘Yan daw ang sistema na mina-magic sa computer ang pangalan ng isang blacklisted foreigner dahil masyadong mahirap ngayon ang sistema sa Bureau of Immigration (BI) sa lifting ng kaso nila.

Kapag nagkasundo na sa transaksyon, pagdating  ni blacklisted alien sa airport ay na-delete na sa derogatory record sa computer ang pangalan niya kaya kahit i-swipe ng IO (Immigration officer) ang passport ay hindi na mag-a-appear sa computer na may DERO.

So far, marami na raw ang maswerteng nakapag-avail ng ganitong ‘PROMO’ ng mga hinayupak na kawatan sa BI at dahil sa dami ng mga blacklisted foreign nationals ay hindi na mapapansin lalo pa at hindi naman sikat na personalidad ang mina-magic nila.

Mula nang binulabog ko ang ganitong raket na hindi malaman kung sa computer section nagmula, balita ko apat (4) na empleyado raw ng computer section ang nag-AWOL at kabilang sa kanila ang mga nabanggit ko sa mga nagdaang kolum ko.

That may smell something fishy ‘di ba!?

Napitik ko lang nagsipag-AWOL na!?

Paki-explika nga ang phenomenon na ito, Mr. Dino Visconde?

Matunog na matunog na ang modus operandi at nakaabot ito sa aking kaalamanan. May mga hawak akong pangalan ng mga foreigner na nakapasok na at kung ite-check sa data base n’yo, wala silang records of arrival pero nandito na ulit sila sa bansa! Kasalanan man ito ng mga IO o ng mga mokong na nag-AWOL na dapat lang maremedyohan ang ganitong problema dahil totoong nakaaalarma na.

Calling your attention, Madam SOJ Secretary Leila de Lima. Baka gusto n’yo pong imbestigahan ang modus na ito sa Bureau?

O baka naman ang gusto n’yo ay Kongreso pa ang mag-imbestiga!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *