Saturday , November 23 2024

P.1-M reward vs suspeks sa Davao cocaine

DAVAO CITY – Aabot sa P100,000 ang ibibigay na pabuya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon kung nasaan ang kinaroroonan at kung sino ang may hawak sa natitirang 14 blocks ng cocaine na nakuha mula sa container van ng Sumifru Philippines nitong nakaraang araw.

Ayon sa alkalde, maaaring i-text na lamang sa kanya o kay Davao City Police Office (DCPO) Director Vicente Danao, Jr., ang detalye at maaaring hindi na magpakilala ang impormante ngunit kaila-ngan niyang patunayan na siya ang nagpadala ng mensahe o tumawag sa kanila.

Mas malaki rin aniya ang ibibigay na gantimpala ng mayor sakaling mara-ming bloke rin ng cocaine ang mai-report ng impormante.

Muling pinaalalahanan ni Duterte ang mga nakakuha ng bloke-blokeng cocaine na mas mabuting isauli na lamang nila ito dahil malalaman rin naman niya kung planong ibenta ang nasabing illegal na droga. (LANI CUNANAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *