Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-OFW natigok sa motel

PATAY ang 46-anyos na  dating overseas Filipino worker (OFW)  nang atakehin sa puso habang nasa loob ng motel, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Nico Lawas,  ng Los Baños, Laguna, nang  makaranas ng paninikip ng dibdib sa loob ng Sogo Hotel, F.B. Harrison, kasama ang kaibigang babae na itinago sa pangalang ‘Mutya.’

Sa tinanggap na ulat ni Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Investigation Detective & Management Section, sinundo ni Lawas ang kaibigang si Mutya, kasama ang isa pang babae sa Domestic Airport kamaka-lawa, dakong 8:00 p.m.

Matapos ihatid ang kaibigang babae sa kanyang bahay sa Comembo, Makati City, nagtuloy ang dalawa  sa Gumamela St., Pembo.

Makaraan ang isang oras, muling lumabas ang biktima at si Mutya, at pagkatapos  kumain ng lugaw, muling sumakay ng taksi at nagpasyang mag-check-in sa sangay ng Sogo Hotel sa F.B. Harrison para sa limang oras na pamamahinga.

Salaysay ni Mutya sa pulisya, magkasabay silang natulog ng biktima na suot pa ang kanilang mga damit pero  walang nangyaring pagtatalik.

Isang oras ang nakalipas, nagising si Mutya nang maulinigan niyang naghahabol ng hininga ang kasama na noon ay nakaupo na sa isang silya.

Agad humingi ng tulong sa pamunuan ng hotel ang babae upang maisugod sa pagamutan si Lawas pero idineklarang dead on arrival.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …