Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Perci, lalong humanga sa galing ni Nora sa Dementia

     ni  Nonie V. Nicasio  

NAGSIMULA nang gumi-ling ang kamera ng pelikulang Dementia na directorial debut ni Direk Perci Intalan. Ito ay pinangu-ngunahan ni Nora Aunor at sa Batanes ang shooting ng naturang pelikula na ayon kay Direk Perci ay talagang angkop na angkop ang lugar sa kanyang mo-vie.

Naka-chat ko recently si Direk Perci and as usual, very accommodating siya at enthusiastic na nagkuwento sa kanyang movie.

Nasabi sa amin ni Direk Perci na bukod kay Nora at Jasmine Curtis Smith, kasama rin sa cast sina Bing Loyzaga, Yul Servo, Chynna Ortaleza, Althea Vega, Lou Veloso, Lui Manansala, Jeric Gonzales, Celio Aquino at iba pa.

Ayon pa sa dating TV5 executive, kung noong test shot ay bumilib na siya nang todo sa Superstar, sa actual shooting nila ngayon sa Batanes ay lalo niyang nakikita kung gaano kagaling ang award winning aktres.

“Yes may mangha factor pa rin working with Ate Guy. Every scene can surprise you,” saad ni Direk Perci.

Nang usisain pa namin si Direk Perci kung after Nora and Jasmine ay sino ang susunod na may major role sa kanyang mga artista rito, sinabi ni-yang, “Iba-ibang roles nila. Ayokong isipin na may major o minor, kasi crucial sa story lahat.”

Idinagdag niyang hindi muna niya iniisip kung saang filmfest ito isasali, dahil gusto muna niyang mag-focus sa movie.

“As for festivals, ang importante munang pag-tuunan ko ng pansin ay magawa nang maganda ang pelikula. Ayokong mag-isip na para sa festival na ito or iyon ang movie. Ang iniisip ko, dapat maganda at dapat magustuhan ng audience.”

Aside from Nora, sino ang mapapansin talaga rito ang acting?

“Sino mapapansin ang acting? Lahat dapat! Pero kanina, kinunan namin ang big scenes nina Chynna at Althea, wow ang ganda lumabas!”

So, pinabilib kayo nina Chynna at Althea?

“Oo naman!  Si Chynna nakakatuwa kasi, ang dami niyang baon na research for her role.”

Sa tingin mo Direk, si Chynna ay isa sa underrated actress natin? “Oh yes, people should really take notice kung gaano kahusay itong si Chynna,” mensahe pa sa amin ni Direk Perci.

Pero si Jasmine, magpapakitang-gilas din ba rito Direk?

“Si Jasmine kukunan pa lang namin ang big scenes, pero I know what she can do. I really want to help her show people that she is an intelligent actress. Feeling ko, magugulat kayo sa mga eksena niya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …